chapter three

26 1 0
                                    

France memories

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

France memories

Athena's POV

habang inaantay ko si Angelo pumunta sa bahay, tinignan ko muna ang picture ko nung ako'y nasa France pa. grabe, nakakamiss din pala. iba plarin talaga yung nakasanayan mo. pero wala kang magagawa. pure filipina ako eh. and i'm proud to shout that.

"Athena, Athena!" tawag ni Angelo. lumabas agad ako ng kwarto at nagmadali na. maggagabi na rin pala. ala-sinco na ng hapon at maggagala pa din kami. kahit alam kong may bukas pa, ay naisip kong sayang ang bawat oras. kaya dapat sulitin.

"'La, 'Lo, lalabas muna po kami saglit ni Angelo. wag po kayo mag-alala uuwi po ako ng maaga." paalam ko kina Lola at Lolo. "oh sige apo. magiingat kayo ha? uwi ng maaga." sabi ni Lolo. "opo 'Lo." bumeso naman ako sa kanyang pisnge at pisnge ni Lola.

first stop namin ay isang park.

"alam mo ba Athena, dito sa park na to maraming memories. yung ibang tao dito sila dumadayo masilayan lang ang magandang view ng park. saka nakakapagh-wala daw yun ng stress at pagod." sabi ni Angelo. "talaga? sige nga tatandaan ko na lang yung lugar para kung may problema ako, dito na lang ako pupunta." sabi ko.

hinila akoni Angelo papunta sa may fountain. ang ganda ng fountain. may lights pa. nakakamangha yung fountain ng park. totoo nga yung sinabi ni Angelo na maganda yung view. malilibang ka talaga. teka isang lugar pa lang napupuntahan namin at naka-isang oras na agad kami.

may kinuha akong papel sa bag ko. isusulat ko doon yung napuntahan ko habang ako'y nasa Pilipinas pa. mag-tatake din ako ng mga pictures para maidagdag ko sa memories ko.

"oh anong ginagawa mo?" sabi ni Angelo. "nagsusulat. obvious ba?" sabi ko. "alam ko. i mean anong sinusulat mo?" tanong niya. "ah eto ba? sinusulat ko yungmga places na napuntahan ko sa Pinas. pipicturan mo ako ha? pandagdag sa memories ko." sabi ko. binigay ko kay Angelo yung cellphone ko at naghpapicture. "oh dyan ka pumwesto sa may fountain." sabi ni Angelo. at pumwesto naman ako agad.

"ano okay ba?" tanong ni Angelo. "oo. thank you. san next stop natin?" tanong ko. "may alam akong food park marami kang mapapagpilian don. ano game?" sabi ni Angelo. "game!" sabi ko.

palabas na kami ng park ng may nakita akong isang pamilyar na lalake. na parang nakita na siya dati di ko lang matandaan kung saan. nagkatinginan kami sa isa't-isa pero natauhan naman agad ako. napatingin ako sa harap ko.

Jacob's POV

who's that girl? bakit kung makatingin parang kilala niya ako? wait. i knew her! she's the Airport Girl! wait, am i dreaming? no she's not. she's not the Airport Girl. but why is she looks familiar to me? wake up Jacob! that's not her! nevermind.

"Bro, what are we gonna to do here?" sabi ko kay Zack. "Bro, magpapachill tayo. palibhasa kasi hindi ka mahilig sa mga park." savbi ni Zack.

well hindi talaga ako mahilig sa mga park. mahilig ako sa mga video games. naglakad-lakad lang kami ni Zack. hanggang sa mabored ako sa kahabaan ng paglalakad namin. di ko alam kung saan na kami naka-abot.

"Bro, bored na ako." sabi ko kay Zack. "Jacob, wait for a surprise." sabi ni Zack at may pang-aasar na ngisi. "what? what surprise are you talking about, Zack?" tanong ko. hindi man lang sumagot si Zack. kinalabit ko ng kinalabit si Zack ng biglang . . .

umilaw ang fountain at ang gaganda ng kulay. first time ko pumunta sa park. at first time ko rin matuklasan yung ganito. Thank You for Zack.

Athena's POV

nakarating na kami sa food park. at hindi naman ito masyadong kalayuan sa park na pinuntahan namin. 7:30 pm na at tama na rin siguro yung oras para kumain.

"ah, Athena, ano gusto mo kainin? marami kang pwede pagpilian. pero take note: babayadan mo ha. hindi to buffet na parang pinupuntahan mong fiesta." sabi ni Angelo at napatawa naman ako sinabi niya. "oo namn. ano ka ba." sabi ko. "so, ano gusto mong kainin?" tanong ni Angelo. "uhm, pwede magikot-ikot muna tayo sa bawat stalls? para pag may nagustuhan ako, pipili na lang ako." sabi ko. "sure. simula tayo sa empanada." sabi ni Angelo.

ginala ko ang mata ko sa mga nakahandang empanada. mukhang masarap. at may mga empleyadong bumabati sa amin. nang hindi ko masyadong magustohan yung mga pagkain, lumipat naman kami ng ibang stall. sunod naming pinuntahan ang pasta stall. well, mukhang masarap pero hindi ko naman masyadong gusto ang pasta sa oras na to.

"ano Athena, gusto mo ba ng pasta?" tanong ni Angelo. "well mahilig ako sa pasta pero di hanap ng tiyan ko ang pasta." sabi ko. "so, next stall tayo?" tanong ni Angelo. "sige." sabi ko.

sunod na stall na pinuntahan namin ang burger stall. okay lang namang mag-burger sa oras na to. pero ang bigat niyan sa tiyan. sunod naming pinuntahan ang churros stall. dapat kung magchu-churros kami, dapat after kumain. well wala akong mapili and gusto ko sa pasta stall.

"ano Athena, lahat ng stall naikot na natin. mag-8 pm na wala pa tayong nakakain. papagalitan tayo nito nina Lolo at Lola." sabi ni Angelo. "don't worry sa pasta stall tayo." sabi ko.

pumunta na kami sa pasta stall at ang inorder ko ay carbonara. well mahilig ako sa sa carbonara. at ang kay Angelo naman ay ordinary na spaghetti lang. umupo na kami at nagsimula ng kumain.

"uy nailaw pala yung fountain sa park." sabi ko. hindi naman kalayuan yung park kaya nakikita ko. "ay nalimutan ko, nailaw yang fountain kapag 7-10 pm." sabi ni Angelo. "ang ganda niya." sabi ko. "gusto mo puntahan natin mamaya after nating kumain?" sabi ni Angelo. "wag na Angelo, anong oras na oh. hinahanap na tayo nina Lolo at Lola." sabi ko. "sige. tapusin lang natin tong kinain natin at uuwi na tayo." sabi ni Angelo.

pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. hinatid ako ni Angelo sa bahay nina Lolo at Lola. "salamat Angelo! sa susunod ulit! goodnight." sabi ko. "sige Athena. salamat din. goodnight." ngumiti siya sakin at nginitian ko din siya.

pumasok ako ng kwarto at binuksan ang aking cellphone. nakita ko ang notifications galing kay Ranzelle.

7:50 pm

Ranzelle: uyyy! hi Athena! nasa pinas ka? uyy i miss youu. contact mo lang ako. see you soon!!

-

natuwa ako sa pagreply ni Ranzelle sakin. at natutuwa din ako na kilala niya ako magpa-hanggang ngayon. I'm gonna see you soon, Ranzelle.

Not Again In AirportWhere stories live. Discover now