Third Chapter

111 6 0
                                    

Kinakabahan ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako makatanggi at hindi rin ako makapapayag agad-agad. Litong-lito ako at tila nagulat sa nangyari noong nakaraang linggo. Hindi ko inaasahan na ganun kadali kami paglalapitin ng tadhana. Mas rumami ang tanong sa aking kaisipan. Ano nga ba ang aking gagawin? Nararapat ba ang aking desisyon? Hindi ko alam. Hindi ko alam

"AHHHHH!" sigaw ko sa sobrang gulo ng mga pangyayari

"Ate, alam mo para kang tangang pupunta dito tapos don tapos dito ulit. I'll put you in the asylum if you won't stop going back and forth" sabi ng napakagaling kong kapatid na si Rome at tila natatawa sa maganda kong mukha

Biwset! Magulo na nga buhay ko, aba mas pinaggulo ng lalaking ito!

"Pake mo ba?" pagtataray ko sa kanya

"You are anxious, aren't you?" nakangising tanong ni Rome

"B-Bakit mo naman nasabi?" tanong ko

"And now you're stuttering! You aren't a good liar after all my dear sister" sabi ni Rome at ngumisi

Anong feeling niya nasa mystery kind of movie siya? Bwiset! Bwisetttt! Pero naisip ko kasi na hindi naman masama yung favor, kaso baka galit pa sa akin lalo si Kris.

"Ate, kung ako sayo gawin mo na yung favor ni Tita Kristine. It's not that bad at tiyaka oras na para makabawi ka sa nagawa mong kasalanan sa kanya" sabi ni Rome

"It's not a sin to make someone happy, Rome" sabi kong may tipid na ngiti sa aking mga labi at umupo na sa tabi niya

Nagsisisi ako dahil nasaktan ako, but that's my selfish side. Alam ko namang kahit nasaktan siya ay sumaya rin siya kalaunan.

"But, you did not make someone happy" sabi ni Rome at tuluyan nang umalis

Ano raw? He's now happy being in a relationship with someone else, better than me. LQ man sila pero alam kong masaya na siya

Umakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop. Anong gagawin ko? Isastalk lang naman si Kristoff River Elliot. Yun lang ang ginagawa ko, wala ng iba

"Ate, may sulat para sayo!" sigaw ng kapatid kong si Rome

"Galing saan?" tanong ko

"See it for your self" sabi niya at binato sa akin ang sulat na nakasobre

Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala siya at hindi na naman siya kumatok. Ilang beses ko ba siyang sasabihang dapat kumatok?!

"Hoy! ROME JAKE LAWRENCE MATUTO KANG KUMATOK BAGO PUMASOK SA KWARTO KO!" sigaw ko pero rila hangin ang kausap ko sapagkat hindi siya sumagot.

Ano naman kaya itong sulat na ito? Love letter? Chos lang. Pagkabukas ko ay laking gulat ko na galing Golden Riches Academy pala ito. Ibig sabihin natanggap ako?! OMG! Agad akong tumalon ng tumalon.

Mending The Heart That I Broke (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon