Seventh Chapter

89 5 0
                                    

Mabilis ang kabog ng aking dibdib

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako hindi lamang dahil sa magiging reaksyon ni Kristoff o anong maaring mangyari mamaya kung hindi kung ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita kaming magkasama. Kung si Angela lamang ang nagsusulat ng article sa journalism team ay sigurado akong ligtas kami na hindi malagay sa newspaper ng academy for this month, pero hindi siya nag-iisa. Ang mga taong gustong sumira sa akin ay malamang maglalabas ng article tungkol sa aming dalawa ni Kristoff mamayang gabi.

"Brianna, wag kang kabahan. Magiging okay ang lahat" sabi ni mommy

"Paano po kung magkaroon na naman po ng bagong issue? Mahihirapan po ako pasayahin si Kristoff dahil stress ang maidudulot ko sa kanya" malungkot na sambit ko

Nginitian lang ako ni mommy

"A person's presence itself can make someone happy. Don't you ever forget that" sabi ni mommy

Eh? Presensiya ko? Malamang hindi sasapat iyon para sumaya ang aking kababata. I sighed

"Masaya ba siya sa presensiya ko? Eh halos sakalin na ako ni Kristoff eh" sabi ko at nagpout

"Yan! Puro ka kasi negatibo ang iniisip mo Brianna. Minsan pinipilit mong lagyan ng piling ang mga mata mo. Alam ko naman na alam mong sumasaya si Kristoff kapag nandyan ka. Maging magkaibigan lang kayo, magiging okay din siya. Magbabago at magbabago siya sa paglipas ng mga araw o buwan. Sabihin man niyang hindi mo siya mababago ay huwag kang maniniwala. Kinain lang siya ng galit anak, siya pa rin yan" sabi ni mommy

Napangiti ako at mahigpit na niyakap si mommy

"Thank you mommy! I love you!" sambit ko

"I love you too pero alam mo malalate ka na sa party. Mag-ayos ka na!" sabi ni mommy

Agad akong tumayo at nag-ayos na. Tinulungan ako ni mommy mag-ayos, mula sa pagpili ng suot hanggang sa pag-aayos ng buhok. Nang matapos ako ay tumingin ako sa salamin.

"Wow! You look like a human being Ate Dani! I've never seen you like a human for thousand of years!" sambit ni Rome na tila tuwang-tuwa

Binelatan ko lang siya. Ang ganda-ganda ko ngayon tapos eepal siya? No no no no way!

Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Kristoff. Sinuot ko na ang gown at nagretouch muli.

"Oh Kristoff, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin. Nagpaganda yan para sayo" rinig kong sabi ni daddy kay Kristoff at rinig kong tumawa si daddy ng mahina

Supportive parents! Char lang. Mamaya baka iiyakan ko na naman itong lalaking ito eh.

"I will take care of her po" rinig kong sabi ni Kristoff

Pwede bang kiligin? Kahit slight lang? Feeling ko nagcoconfess siya sa akin habang nagsasayaw kami tapos bago matapos ang kanta ay hahawakan niya ang aking mukha at at magsasambit ng nakakakilig na mga salita. OMG! Kininikilig ako! Ang kaba ko kanina ay napawi dahil sa malikot kong imahinasyon.

Mending The Heart That I Broke (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon