Chapter 3:
******After few weeks******
Nag-ayos na ako at naghanda para pumasok. Pagkatapos pumasok na ako. Pagkapasok ko, ordinary lang ang nakita ko. Pumunta na ako sa pwesto ko na may pagka-loner. Kasi nagkaroon na kami ng seatting arrangement. Ganto ang naging arrangement.
CM G= ClassMate Girl
CM B=ClassMate Boy
1st Column2nd Column
1st row=CM G-CM B-Summer-CM BCM G-CM B-Charlotte-CM G-CM B
2nd Row=CM B-Rebecca-Harrison-MatildaJamie-Megan-CM B-Me
3rd Row=CM G-CM B-CM G-CM BHeidi-George-CM G-CM B-CM G
4th Row=Ethan-Lucy-CM B-CM GCM B-CM G-CM B-CM G
5th Row=Madison-CM B-CM G-CM BCM G-CM B-CM G-Daryl
Marami kami sa classroom. 56 kaming lahat. Andami namin noh! Ayun wala naman masyadong nangyari maliban na lang sa nagpa-elimination si Ma'am Zara para sa isang Math Contest. Gusto sana namin na sumali si Megan kaso nga lang sabi niya di daw siya sasali kapag hindi kami kasali. Kaya ayun napasubo kami. Natapos ko naman yung test. Pero hindi ako umaasa na makakapasa ako. Kinabukasan, pinatawag kaming dalawa ni Zara at pinahihiram kami ng 2 Math books sa section nila Daisy. Magdala rin daw kami ng papel at ballpen. Pagkahiram namin kumuha na kami ni Megan ng papel at ballpen at nagpaalam na kami kay Ma'am Gen na pinapatawag kami ni Ma'am Zara. Pinayagan naman kami ni Ma'am Gen. Pagdating namin doon nakita namin si Ma'am Zara na nasa isang table, may sinusulat si Ma'am. Sabi ni Ma'am kami daw ang ipanlalaban sa darating na Math Quiz Bee, grabe ang gulat ko non kasi hindi ko talaga inaasahan na ako yung isa sa mga makukuha na ipanlalaban ng school namin. Pina-upo kami ni Ma'am sa tabi niya, tapos nag-turo na si Ma'am ng kung anu-anong formula. Makalipas ang ilang minuto break daw muna kami.
Paglabas namin nakita namin si Summer at Madison, haay ako dapat yung kasama ni Summer sa pagbili ng soft drinks para sa mga classmate namin eh! Tuwing recess kasi nagtatanong kami kung sino yung mga magpapabili ng soft drinks kasi dinadalhan na kami ng tray ng mga paninda, kaya soft drinks na lang ung nabibili namin! (a/n: Ang babaw ni Enna noh!) Nilapitan namin sila, bumili na rin kami para makakain na kami. Pinasabi na rin namin sa kanila, na i-excuse kami sa mga teacher dahil may ginagawa kami kasama si ma'am Zara. Di muna namin sinabi kung ano ung ginagawa namin. Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami. Haay, natapos na rin kami. Makapag-lunch na nga muna. Napag-usapan namin ni Megan na wag munang sabihin kila Matilda ang tungkol sa pagsali namin sa isang Math competition. Pagkalabas nakita ko sila Caleb. Haay nakalimutan ko ito ah?! Hindi ko na lang sila pinansin. Alam niyo sa totoo lang may gusto na ako sa isa sa kanila kaso nga lang ayaw ko saktan ang isa sa kanila. Haay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Kinabukasan, pagpasok ko nakita ko si Megan na pinapaligiran nang mga kaibigan namin. Hulaan ko tinatanong siya kung anong ginawa namin kasama si Ma'am Zara. Dahan-dahan akong pumunta sa upuan ko kasi alam ko kapag nakita ako ng mga yan, ako naman ang tatanungin ng mga yan. Pagkatapos ko ilagay yung bag ko umalis na ako. Lumabas ako at pumunta sa isa sa mga bench malapit sa room namin. Nakita ako nila Caleb kaya umalis na ako, kaso nga lang saktong pagtayo ko nakita ko si Summer na lumabas sa classroom. Mas gusto ko pang tanungin ako ni Summer kaysa makasama ko sila Caleb. Ayokong lumala pa yung pagkagusto ko sa isa sa kanila at masaktan naman ang isa. So ayun nga dahil nakita na rin naman ako ni Summer, ayun kinaladkad niya ako pabalik sa bench na inupuan ko kanina.
