Chapter 2: That cliche yet amusing moment
*-_-*Skye's POV*-_-*
Nung nakabalik na ako sa room namin, tahimik ako as usual. Kinalimutan ko na rin yung nangyari kanina. Pakialam ko ba doon sa transferee na yun. Tch. Dagdag kakompitensya nanaman eh. And since, wala kaming klase, matutulog nalang ako.
Nagising ako kasi napaka-ingay nila, grabe naman, parang mga hayop lang kami sa kulungan eh, sabagay, katabi kasi namin yung section 2 na mga IV-Isis kaya party party din ang section namin, mga ka-tropa kasi namin ang section 2.
“Alexis, ok ka lang?” tanong ni Alice sa akin, isa pa sa mga ka-tropa ko. Nanay ang turing ko sa kanya, kahit na mas matanda at mas matangkad ako sa kanya.
“Ok lang naman, wala pang teacher?”
“Obvious naman ata diba?” Oo nga naman, pahiya…
“Yeah yeah..” sabi ko at tumungo ulit. Pero dahil sa sobrang ingay sa loob ng classroom, naisipan kong lumabas nalang at matulog sa tapat ng room namin, ok na yun.
Pagka-labas ko, medyo tahimik, lahat ng mga sections may kanya-kanyang klase, kami lang siguro ang wala. Sumandal ako sa isang pillar na malapit sa dulo ng hall. Ang tagal na mula nung matulog ako dito, last year din dito ang tambayan ko.
“Skye, I’m sorry, pero hindi na kita crush…” sabi nung lalaki sa harap ko. Naka-suot ako ng magandang damit noon, pero umuulan, at basang-basa na ako—kami.
“Ayus lang, crush lang naman kasi yun diba? Hindi naman love? Kaya ok lang yun Jared.” Sagot ko habang nakangiti, pero sa loob loob ko, gusto ko na siyang patayin, bugbugin, at ipalapa sa alaga naming aso, pero nanaig parin yung urge ko na protektahan siya, na alagaan siya, na pasayahin siya…
“Alam mo ba, masaya ako these past eleven months, haha! Every month nagce-celebrate ako ng monthsary natin..” hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ito sa kanya, pero kusa nalang lumalabas sa bibig ko.
“Skye—”hindi ko siya pinatapos, kasi alam ko na ‘I’m sorry’ nanaman ang sasabihin niya. At sawang-sawa na ako sa kaka-sorry niya.
"Tapos, sinusulatan kita palagi, pero hindi ko binibigay sayo yung letters kasi nakakahiya.. Hahaha!!"
Naaalala ko pa ang lahat, birthday ko ang gabing iyon. Fifteenth birthday ko, at dahil sa confession na iyon, mula sa taong pinahalagahan ko higit pa sa pamilya ko, higit pa sa sarili ko, ang tinuturing ko na first love ko, dahil sinabi niya na hindi na niya ako ‘crush’ gumuho ang mundo ko.
Sabihin nyo nang napaka-childish ko, na napaka-bata ko pa, pero kahit na crush lang ang turing niya sakin, mahal na mahal ko si Jared. Dahil sa kanya, nakakaya kong ngumiti kahit na punong-puno na ako ng problema, na kahit napakasama na ng araw ko, siya parin ang natatanging nakakapagpatawa sakin. Siya ang bumuhay sakin, pero lahat ng iyon, naglaho dahil sakin.
Nagising ulit ako, ten minutes nalang at time na namin, nanaginip nanaman ako tungkol sa past. Hindi na talaga ako lulubayan nito noh?
“Hanggang ngayon si Jared parin ang laman ng pusong bato na yan noh?” nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko, si Cierra pala yun.
“Wala na akong gusto sa kanya Cierra.” Sabi ko, which is true. Hindi ko na mahal si Jared, naka-move on narin ako, akala lang ng iba na hindi kasi hindi na ako ulit nagkaroon ng ka-MU—at mukhang kasama si Cierra sa mga nag-aakalang yun.
“Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami ng tropa. Alam mo naman yan.” Ito nanaman siya, advice ng nanay, minsan nakakairita na, pero I really appreciate it kasi alam kong may pakialam sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Cliché Diaries: To love or Hate?
Teen FictionShe already gave up on love, He’s an arrogant self-loving transferee. And the moment they crossed paths, was the moment she hated him forever. She was once a happy-go-lucky, spontaneous, social, friendly, caring, and loving type of girl, but then tu...