Chapter 3: That not so good weekend

34 1 0
                                    

Chapter 3: That not so good weekend

      *-_-*Skye's POV*-_-*

Feeling ko, ay hindi, alam kong nagulat silang lahat. Bakit? Kasi tumahimik ang room, nakatitig lang sila sa aming dalawa na nakatayo sa room. Pakiramdam ko part nanaman ito ng isang movie. Hay, kakatamad. Feeling ko alam ko na yung pambungad na tanong nila sa amin...

3...2...1...

MAGKAKILALA KAYO?!

"Magkakilala kayo?" tanong ni Maam Reyes sa amin.

"Ahm, actually, hindi ko po siya kilala, pero siya yung dahilan kung bakit ako nawala." paliwanag nung transferee, ahm, what's his name?

"Is that true Miss Garcia?" tanong sa akin ni Maam Reyes, shit, feeling ko masusuka ako na ewan sa sobrang sakit ng tiyan ko.

"On the contrary, I was-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung may isang familiar voice na nagsalita.

"She was carrying out the plan we had." napalingon kami sa nagsalita. At nagulat ako kung sino iyon.

Jared...

"What plan is that Mr. Nadal?" tanong ni Maam.

"Well we decided to make our transferee lost just like the old transferees last year. For short, Maam, ginawa namin yun for fun."

"Wait, hindi naman-" pinutol ulit ako ni Jared.

"So there you have it. We did it for fun. And if it got to the transferee's nerve, siguro tumalab yung plano." Sabi niya sabay tingin sakin, nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Ngumiti si Jared sa akin at naupo na.

"Yiiieee!!!!! Muling ibalik mga pards!" sigaw ni Jay-Jay, dahilan para mang-asar ang mga kaklase ko. Kaasar talaga ang mga toh.

"Manahimik na nga kayo!" saway ko at tumahimik na sila.

"Hmmp, you think I'd fall for something like that? Bro, why are you even defending her?" tanong nung transferee.

"Pare, we're comrades here. Lahat kami nagsasama-sama, walang iwanan tsaka hindi ko siya pinagtatanggol, alam kong kaya niya ang sarili niya, at ayaw niyang pinagtatanggol siya." sabi ni Jared habang nakatingin sa akin.

"Look, ang ingay na ng room at masyado nang maraming oras ang nasayang. Kung ayaw mo akong maging SA mo, fine I don't care, pakialam ko ba sa kahihinatnan mo diba? At isa pa, wala kang alam sa rules ng section na ito kaya wala kang karapatang manghusga, ok?" hindi na siya nagsasalita, natameme na ata, grabe, the villainy in this section.

"Oh ano na? May problema pa ba tayo? Kasi kung wala na, I'd like to sit down and listen for our lesson in Chem today, ay, ou nga pala, sinayang mo na yung oras natin kakadakdak mo, thanks a lot dude." Sabi ko at naupo na, tahimik ang room, walang nagsasalita, feeling ko pinakawalan ko nanaman yung bad mood ko sa buong Anubis, hays, isang malaking formal apology nanaman ang gagawin ko.

Pinaupo na ni Maam Reyes si Vincent sa tabi nung isang classmate kong babae; si Lea San Andres, tahimik lang siya, pero isa siya sa mga kikay girls ng room namin na galing sa Makati. Banas, iingay nanaman ang issues tungkol sa pagiging SA ko, si Lea pa naman yung di ko kaclose sa buong tropa nila kasi hate na hate niya ako secretly. Bakit ko alam? Madami akong sources, at tsaka, matalas ang pandinig ko, lalo na if it involves my name. Isang dahilan kung bakit hate ako ni Lea ay dahil may gusto siya kay Jared, siguro hanggang ngayon ata. Malay ko ba, wala nanaman akong pakialam.

Natapos yung klase at binilisan ko yung pagliligpit, kailangan kong magmadali kasi may pupuntahan pa akong organizations na kung saan member ako.

"Alexis!! Bilisan mo na please!" tawag ni Jay-Jay at Marlon sa akin, mga kasamahan ko ito sa Student Assessment Development Association, or SADA, mga members kami, at kasama din namin doon si Jared, na mukhang nauna na sa amin.

Cliché Diaries: To love or Hate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon