CADET 1
"AYOKO! NO DADDY! I never dream to be a cadet someday dad," sigaw ko kay daddy habang naka upo sa harapan ng lamesa nito sa office.
Hindi bagay sa isang maarte, spoiled, at magandang tulad ko na pumasok sa isang Private Military Cadet. Idagdag na natin ang kadahilanang maputi at makinis kong balat na masasayang lang kung ibibilad ko lang sa araw at igagapang sa putik. At magpapa-gupit ng 3×4? Hell no!
"Alam mong para sa kapakanan mo lang ang laging iniisip ko," sabi nito.
"I can be a supermodel, or an owner of fivestar hotel, or a-!," pinutol nito ang sinabi ko.
"No! I see your better future kung papasok ka sa cadet!," pagmamatigas nito.
Kainis! Better future?! for what? future to be a negra and ugly?! Naah!
"No dad, I know its hard for you na palakihin ako ng mag isa, I understand you, your business, pero sana naman hindi ko na kaylangan manghimasok sa trabaho nyo," Isang magaling na General si Daddy. Retired na sya kaya sya ang nagma- manage ng Military school na pagmamay-ari ng tatay ng lolo ko. Galit itong bumaling sakin.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Claudette! Wala kang galang sa ama mo! Ito na lang ang maibabayad mo sa lahat ng ginawa kong sakripisyo sayo," galit na galit nitong sabi.
"Bayad? this is your responsibility Dad! Dont treat me na parang hindi mo ako anak!," Ang huling naaalala ko lang ay ang malakas na alingawngaw sa pagkakasampal nya sakin. Nag init ang aking mga pisngi at naramdaman kong tumulo ang aking mga luha.
"Hindi ko pinagsisisihang sinampal kita! Mula ng dalhin kita sa amerika naging ganyan na yang ugali mo!," sabi nito na parang ibang tao lang ang pinagsabihan.
"Sige, makaka alis ka na!"Mabigat ang mga paang tinungo ko ang pintuan. Hindi ko talaga sya maintindihan. Lagi nyang sinasabi na ako ang lagi nyang iniisip. Kung nandito lang si mommy, hindi nya hahayaang ikulong ako sa kagustuhan ng aking ama. Matagal na itong pumanaw. Simula ng mag sampung taong gulang ako, nawala na sya. Kaya't minabuti nyang dalhin ako sa amerika at duon pag aralin. Ngayong twenty years old na, tyaka lang ako nagpasyang bumalik ulit dito.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga nagti-training na bilad sa sikat ng araw. Puspusan ang training nila para sa Cadet training competition. Grabe, pati mga babae nagbibilad sa araw para lang sa walang kwentang kompitisyon! And hell! Pati ang magagandang buhok nila ay sinuko nila para lang dito! No! hindi ako papayag na masira ang kagandahan ko dito!
Sa aking paglalakad ay may nakasalubong akong isang grupo ng mga cadets. Pinamumunuan ito ng isang gwapong lalaki. Maputi ito at mamula-mula ang balat.
Tsk, sayang ang puti nya dito!
Lumapit ito maya-maya sakin. Nakita ko ang matatalim na titig sakin ng mga babaeng kadete. Duh! sa ganda kong 'to magtataka pa sila kung bakit ako lalapitan ng gwapo't matipuno nilang commander! How kitid the utak!
"I think your the one and only daughter of General Villamor right?," tanong nito sakin. Inikot-ikot ko muna ang kulot kong buhok bago sumagot.
"Yes," naka-ngiti kong sagot.
"Masyadong ng nasira ang mga training walls and obstacle, mas masayang parusahan ang mga pasaway na kadete kapag naisa ayos ang mga obstacle na yun, tyaka mas masaya din kung matibay para ilang taon ding magamit. Kulang na siguro ang pondo ng Military school kaya naman pagbubutihan namin sa competition para sa one hundred thousand pesos prize. Yung cr pala ng mga boys may tumutulong tubo, siguro kaylangan ng tumawag ng tubero para maayos yun, yung taga linis ng pool, nag resign na yung isa kaya kelangan na ng bago, ask him i need help," paliwanag nito at nag-utos pa sa bandang huli.
Anong sinasabi nya? As in wala akong naintindihan! At ano daw? Nag utos pa sa bandang huli. Utos.
"Hah?," tanging naisambit ko.
"Bingi ka ba?," natawa ito.
Aba! kung pagsabihan nya ko ah! Teka nga't patikimin ko ng kamalditahan ko.
"Para sabihin ko sayo, hindi ako cadet para utusan mo ok? Nakikita ko namang marami kang alipores eh, ba't hindi yun yung utusan mo! Makakalimutin din pala ako, excuse me," sabi ko tyaka maarteng lumakad paalis doon.
Agad nya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya. Galit na gwapong mukha ang tumambad sakin.
"Sinasabi ko sayo, once na mapilitan kang pumasok bilang cadet, pahihirapan kita! Mark my word!," sabi nito bago ako iwan mag-isa sa ere.
"Talaga? sino ba may sabing magka cadet ako, duh! It sucks you know?," bulong ko sa sarili tyaka umalis sa kasumpa-sumpang school.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong tumungo sa kwarto. Naii-stress ako twing maaalala ko ang nangyari ng tumungo kay dad nung nakaraang araw. Kagagaling ko lang kasi sa Robinson, pinuntahan namin yung sinasabi nyang free ticket to Italy. Kelangan lang na magpadala ng limang pictures na mananalo ng entry. Tiyak na sa ganda kong ito, ako ang mapipili nila then tadah! Claudette Villamor on Italy. At balita pa ng kasama ko, ipagpapatuloy ang nasabing photoshoot sa Italy. Isang engrandeng bakasyon at photoshoot good for two weeks. Hindi pa ko nakakapunta sa Italy. America, America, blah blah! Puro na lang America. It's time for me to visit Italy, I'm so excited. Bigla ay tumunog ang cellphone ko. I pressed the answer botton.
"Hello?," panimula ko.
"Hi sister, this is Jona," sabi ng nasa telepono.
Si Jona ang babaeng sumama sakin ng pumunta akong robinson.
"Oh, Hi whats the latest update?," tanong ko.
"Uhm, c'mon girl. Just prepare your luggage. I know your so pretty and you will win the trip to Italy," sabi nito.
I smiled.
"Kaya gusto kita e, ofcourse mananalo ako ng picture mo win mo promo, kahit na its so cheap ng dahilan ng pagpunta ko sa Italy,"
"Ugh! wag mo ng isipin yun, atleast makakapunta ka sa Italy dahil lang sa selfie mo,"
"Yes,"
Natapos ang positibong pag-uusap namin ni Jonalyn. I never treat her as my best friend. I told her about it. Pero hindi sya nakinig. Patuloy parin sya sa kabutihang loob nya sakin. And its fine with me. Sa ugali ko na 'to, wala talagang nakakatiis sakin so I'm still thankful na nandyan sya for me. Maya-maya, dumating si Daddy na parang mainit ang ulo.
"Dad?," sinubukan ko syang kausapin o tanungin ngunit hindi nya ako pinansin.
"Tungkol parin ba 'to sa cadets?," tanong ko.
"Hindi kita pinipilit na maging cadet, pero simula ngayon, wag mo ng asahan na susuportahan kita sa kahit anong activities mo," sabi nito.
Napatayo ako sa narinig.
"What?! b-but Dad!,"
"Iyon ang kondisyones ko Claudette. Kaya kung hindi ka papayag sa gusto kong mangyari-!,"
"Ito ba ang balak mo?!" sigaw ko ng walang pag galang. "You are just using the way of blackmail! Hindi ko gusto ang pagiging cadet! Ilang ulit ko ba yang sasabihin sa inyo!"
He just nodded. Nag-umpisang magpatakan ang aking mga luha.
"Lahat na yata ng gagawin ko kelangan ko ng suporta nyo," sabi ko.
"Nasa tamang edad ka na Claudette, pero hanggang ngayon hindi mo parin kayang suportahan ang sarili mo, masyado yata kitang ginawang spoiled girl," paliwanag nito.
"Your still my king, and im still your prettiest princess, are you turning now as the monster in my fairy tale story? You said you'll do anything just to make me happy, but you're forcing me to the thing I dont want to," paliwanag ko sa pagitan ng paghagulgol.
Umiling-iling ito.
"Iba na ang panahon ngayon Claudette, iba na," sabi lang nito at umakyat ito sa hagdan.
Wala akong ibang nagawa kundi umiyak. Umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
CADET CLAUDETTE
Non-FictionClaudette Villamor is one of the most 'feeling sikat' girl. Her daddy is a General of a military school. Hindi nya gusto ang maging isang cadet. Pero dahil sa kondisyon na iyon ay napilitan syang sundin ang gusto ng daddy nya. She meet David, the re...