CADET 3

92 4 0
                                    

Pabaling baling ako sa aking kama, kanina pa 'ko hindi mapakali. Kung pipiliin ko ang Italy, mamamatay ako sa hirap ng kapalit. Kung hindi ko pipiliin ang Italy, mamamatay ako sa paghihinayang. What should i do?

(One hour later)

"Italy or paghihinayang but no cadets?"

(Two hours later)

"Mini mini minimo? alin ang pipiliin ko?,"

(Four hours later)

"Suko na 'ko, ang laki na ng eye bags ko! inhaled, exhaled,"

Nakapag desisyon na po ako. Kung ano naman ito, kaylangan itong malaman ni Daddy. Im sorry. Kung ano man ang desisiyon ko, bahala na. Bahala na talaga. Mamatay na kung mamatay pero, hindi ko talaga kaya. Kelangan ko ng matulog, pupunta pa ako sa office ni Daddy upang ipaalam sa kanya ang desisyon ko. Sana.. wag syang magulat, baka masampal nanaman ako.

Kinabukasan, agad akong nagising upang pumunta sa sinumpang school.

Ipapaalam ko na kay daddy ang desisyon ko. Sabi nga sa 'Sukob' kelangan magsakripisyo. Hindi ko ito pagsisisihan. Iuuntog ko ang ulo ko sa pader pag nagsisi ako.

Pinihit ko ang door knob. Kasalukuyang nagbabasa ng dyaryo si Daddy. Alas nwebe pa lang ng umaga.

"Dad?," bumungad ako sa pintuan. Seryoso syang tumingin sakin.

"Tuloy," sabi nito.

Dumiretyo ako sa upuan sa harap ng lamesa nito.

"Nakapag desisyon ka na ba?," tanong nito. Kinabahan ako bigla. Inhaled, exhaled.

"Opo," I'm so nervous! Gush! Nilalamig ang mga kamay ko.

"Maaari ko na bang malaman kung ano iyon?," tanong nito.

Malalim akong bumuntong-hininga.

"Gusto kong... pumuntang Italy," pagkasabi ko nito ay nanlaki ang mga mata nito. Bigla ay pumalakpak ito at humalakhak ng tawa.

"Im so happy to hear that," sabi nito at tumayo "Congratulations, Claudette, you're my one and only princess"

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Iyakin kasi talaga ako.

"Why are you crying," tanong nito at pinahid ang mga luha ko.

"Tears of joy," tears of fear!

Kinuha ni daddy ang telepono at may tinawagan.

"Mag-form kayo ngayon. May ipapakilala akong bagong kadete"




"Ito ang anak kong si Claudette Villamor, at kabilang na sya sainyo bilang isang cadet," pakilala nito sa mga grupong nakaharap samin ngayon. Pati narin sa mga Cadet Officers.

"That brat?!," sabi sakin ng babaeng nasa harap ng isang grupo. Isa yata itong training officer. Pinukulan ko sya ng matalim na tingin.

"Hinding-hindi ko yan kukunin," sabi ng isang lalaki.

"Sino sabing sayo ako gu-grupo?! duh, your group sucks!," bulyaw ko sakanya.

"Ano?!," galit itong pumunta sa harapan ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Leave her alone, ako lang ang pwedeng mag parusa sa kanya," bigla ay sumulpot ang isang cadet sa kung saan. Si David.

"David, im glad your here, this is my daughter, she's yours now," hinawakan ako sa braso ni Daddy at hinala palapit kay David. Hinawakan nya ako sa braso.

"Cadet Claudette, I'm so excited, do you feel the same too?," bulong nito.

"Shut-up David!," mariin kong bulong.

"Hindi pa sya magdu-duty ngayon David, may flight pa sya papuntang Italy," sabi ni daddy.

"Ha? Baket? Ugh! Wag kana pumunta don Claudette," malambing na utos nito. Yaaaah! Bakit ang gwapo-gwapo nya! Kaasar!

"Sa gusto kong pumunta don eh! Paki mo ba!," sigaw ko. Para kahit paano ma-hide man lang ang tensyon ko!

"Maaari na kayong umalis cadets," utos ni daddy.

Umalis ang mga ito. Kami nalang nila Daddy at David ang natirang nasa parke doon.

"Bilisan mo ang vacation mo Claudette, I can't wait for you," sabi nito sabay nag pout pa! Hell! I dont know but I found it cute.

"Dont worry David, two weeks lang sya doon," sabi ni dad.

"Two weeks? Masyado yung matagal!," nag pout ulit ito. "Promise me babalik ka ha? I'll wait for you,"

Tsk! kainis! Bakit parang palambing sya masyado?!

"I have to go Dad, aasikasuhin ko pa yung mga papeles ko," paalam ko.

"Ok, i need to go, David paki hatid nalang si Claudette,"

"No thanks Dad," I looked at him. He smiled mischievously.

"C'mmon Claudette, ihahatid ka lang naman eh," hinawakan nya agad ako sa braso at hinala palayo. Nang makalayo ay tumawa ito. Malakas na tawa!

"I can't believed na napapayag ka ng ama mo na maging isang cadet," sabi nito. Sabi na nga ba!

"And so?," nagpanggap akong walang pakialam.

"So your my slave now,"

WHAT?!

"Day dreaming! That's you!,"

"Sa ayaw at sa gusto mo, I'm your boss, and you are nothing to me. A toy? a little, a slave? OH YES!," napahiyaw pa ito.

Shit! Mabuti at nakarating kami agad sa main gate.

"Goodbye, I'll wait for you, I can't wait to see you crying and deeply dying!," natigil ako bigla. DYING? HELL NO!

CADET CLAUDETTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon