CADET 8

68 5 0
                                    

Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako. Narito kami ngayon sa isang malawak na field. Naka line silang lahat pwera sa mga makapang yarihang officers. Hinawakan ako ni David sa braso at iniharap sa kanila.

"Idinideklara ko, si Claudette bilang isang miyembro ng ating samahan dito sa Private Military Academy," pahayag nito. "Isa ka ng cadet ngayon," anito sakin.

Nagbigay pugay ako sa pamamagitan ng pag saludo sa KANYA! Ayoko mang aminin pero nasusuka ako. Ang baduy-baduy ko!

Kinamayan ako ng mga officers at Corps commander. Syempre ako yata ang one and only daughter of General Ricardo Villamor.

"Congratulations, Cadet Villamor," sabi sakin ng pinaka huling officers. And gush! Sya yung lalaking gwapo na nakita ko kaninang umaga.

Lihim akong kinilig.

"Thank you sir,"

"Jason,"

"Thank you sir Jason," Lihim akong nangingiti sa kilig.

"Ehem!,"

Napalingon ako sa umeksena. Sino pa kundi si David!

"Cadet Claudette, may pag uusapan pa tayo," sabi nito.

Sumunod naman ako kasi mukhang seryoso. Lumakad kami patungo sa training site.

"Maging maayos sana kayo ng mga kasamahan mo," sabi nito habang nakatingin sa mga pinapahirapang cadets.

"What do you mean?,"

"Ang taray-taray mo kaya, imposibleng wala kang maka-away," sabi nito. I laughed.

"You think so?," tanong ko.

"Yeah, at pag nalaman ko yun, parurusahan kita,"

"Ba't ako na lang lagi? Paano kung yung kaaway ko ang nagsimula?,"

"Wala kaming kinakampihan dito," sabi nito. "Tungkol pala sa tinanong mo kanina, kaya medyo magkakasama tayo sa training, may naganap kasing insidente four years ago, something that makes every woman cadets cried, a bomb, some trapped in their rooms, but because girls are weak, their bodies exploded,"

Napa-smirk ako dun sa 'bodies exploded' yuck! Flesh are raining?

"Malayo ang room natin sa isa't isa kaya....."

"So?"

"Hindi kita mababantayan maigi," sabi nito sabay tapik sa balikat ko.

Sumunod ako sa kanya.

"Start na tayo ng training,"

Bigla akong kinabahan. Totoo na ito.

"Pwesto!," bulyaw nito.

"Kaylangan sinisigawan ako?"

"Im not shouting, I want you to know that I'm your commander, you will obey what I want to command," paliwanag nito.

"Pwesto! Make me believe that you are strong! Stand straight, stomach in, chest out!"

Sinunod ko ang utos nito.

"How are you Villamor?,"

"Claudette na lang, masyadong pormal ang apilido," sabi ko.

"Okey, how are you Claudette?"

"Claudette is feeling pinaparasuhan ng demonyo sa impyerno sir!"

Bahagya itong nagulat.

"Be serious Claudette, I'm not kidding," seryoso nitong sabi.

"How are you Claudette?,"

"Im fine sir,"

Inulit nito ang tanong at inulit ko din ang sagot. Inulit nya ulit, ulit, ulit, ulit. Para akong sirang plaka.

CADET CLAUDETTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon