Four

7 2 0
                                    

"So how's my cooking skills?" tanong ni Mommy sa akin habang naglakad kami patungo sa labas ng bahay.

"There's an improvement. The palatability." sabi ko at nginitian siya.

"I'm flattered." She said then giggled.

Napatawa ako dahil sa kanyang ginawa.

"I'm sorry baby but I have to do this. Your Mama planned this and she insisted na doon ka magbakasyon. Your Dad and I can't do anything but to agreed with her." She explained everything to me.

"Tara na." singit ni Ate.

Tumingin ako saglit kay Ate at bumaling muli kay Mommy.

"I'm dealing with it." sabi ko at ngumiti.

But that smile can't convince her that I'm fine. It's not enough para malaman niya na okay na lamang sakin.

She kissed me in my forehead and then hugged me tightly.

"Take care, okay? Sayang naman at di ka maaabutan ng Daddy mo." bulong niya sa akin.

"I will. Tatawagan ko na lang siya when I get there." tipid kong sagot.

"Okay, stop the drama." Mama interrupted.

Bumitaw na kami sa pagyakap. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad ngunit napatigil ako nang may nagsalita.

"I will miss you and your trashy mouth, eja."

Humarap ako and then saw Mama smiling at me.

"And I will miss you too for a while." tipid kong sagot and then winked at her.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa sasakyan.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan at tsaka ako nagpatugtog.

Playing: Jar of Hearts by Christina Perri

"I know I can't take one more step towards you
'Cause all that's waiting is regret
Don't you know I'm not your ghost anymore
You lost the love I loved the most."

"Ano ba iyan, ang kanser!" sabi ni Ate at tsaka umiling.

"Grabe ka naman. Siguro brokenhearted ka no?"

"Tsk. Ano naman sayo?" pagtataray niya habang nakatuon sa kalsada.

"Share naman diyan. You know, mas masakit iyan kapag kinikimkim mo lang." sabi ko sa kanya at ngumisi.

"Diyan ka na magaling ngayon. Ikaw ha, baka puro lovelife na lang inaatupag mo palagi." sabi niya sa akin at umiling-iling.

"Baka ikaw, I have no time for that as of now. Busy ako sa pag-aaral. Running for Valedictorian to." sabi ko sa kanya and then flip ng hair.

"Dapat lang." tipid niyang sagot.

"So ano nga iyong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Matagal siyang nakasagot.

"Who do you think you are?
Runnin' 'round leaving scars
Collecting your jar of hearts
And tearing love apart."

"Maybe... He doesn't find me as a girlfriend material." panimula niyang sabi.

"Bakit?"

"So don't come back for me
Who do you think you are?"

"Iyon iyong hanap niya eh. Araw-araw naman kaming nagkikita... but he said my presence is not enough for him. Wala kasi ako palagi sa tabi niya para alagaan siya everytime may tournament sila sa Soccer. Iyong bestfriend niya daw palagi ang nandoon sa tabi niya kaya ayun, na-fall." sabi niya at tumawa.

THE BAKITLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon