Sa di kalayuan, naaninag namin ang mga kaibigan ni Ate Alliyah. They're having fun and noisy.
Mas lalong umingay nung nakita nilang papalapit kami ni Ate sa table na inuupuan nila.
"Andiyan na sila."
"Her sister is taller than her. OMG!"
"Wazzup! Bat ang tagal niyo?"
Nasa mga 7 sila. Apat na lalake at 3 babae.
"Ang traffic kaya sa may bandang Skyway." sabi ni Ate at umupo na sa bakanteng upuan.
Umupo naman ako sa katabi niyang bakanteng upuan. Isang upuan nalang ang naiwang bakante dito sa kaliwang tabi ko.
"So Aly, this is my friends, Maeshyl, Mitch, Hannah, Harry, Klent, Franco, Patrick and wait... bat wala si Cayl?" tanong ni Ate sa kanila.
"On the way na daw. Inasikaso lang iyong Thesis niya." sabi nung Hannah na morena at nagtipa sa kanyang cellphone.
"Do we have to wait for him?" tanong ni Ate sa kanila.
"Yeah. Malapit naman na siya." sabi ni Harry na may matangos ang ilong at iyong buhok ay semi-kalbo, basta iyon.
"Anong Grade ka na pala, baby girl." sabi nung Mitch na chubby.
"Grade 10 po." tipid kong sagot at ngumiti.
"Ka-batch mo pala iyong pinsan ko." sabi niya at ngumiti.
Tumango lang ako at ngumiti.
"Nakakaintriga Bessy ha, mas matangkad pa iyong kapatid mo kesa sayo." sabi n Maeshyl at humagalpak sila ng tawa.
"Grabe ang sama niyo." sabi ni Ate at ngumuso.
Tumawa na lamang ako.
"Mag-Cherifer ka kasi, Liyah." sabi ni Patrick at tinuro-turo niya si Ate habang tumatawa.
"Mga ulol! Paano iyan makakapag-Cherifer ang tanda na niyan. Mag-Gloxi ka!" sabi ni Mitch at tumawa.
"Binubully niyo talaga ako eh. Ang sasama." sabi ni Ate at ngumisi na rin.
Napabaling ako sa aking Hermes na shoulder bag nung nung tumunog iyong phone ko.
Nung nakita kong si Cleo ang tumawag ay nag-excuse muna ako at lumabas sa pinto ng store.
"Hello Clay. Kakarating lang namin. Nasa BGC pa kami ngayon eh." sabi ko sa kanya.
"We miss you, uwi ka na agad." sabi niya at nag-iiyak iyakan sa kabilang linya.
"OA mo talaga." sabi ko at tumawa.
"Sino kasama mo diyan?" tanong niya sakin.
"Iyong mga friends ni Ate. Nasa Mango Tree kami ngayon." sabi ko at pinagmamasdan ang paligid.
"Bakit kasi ang bilis niyo agad pumunta diyan. Bad." sabi niya at nag-iiyak iyakan ulit sa kabilang linya.
"Kung makapag-react ka naman 'kala mo di na tayo magkikita. Sembreak lang to, Cleo. Umayos ka diyan." sabi ko at umiling-iling.
"Oo na po, Ma'am. Ingat ka diyan." sabi niya at tumawa.
"Baliw! Sige na, bye." sabi ko at pinatay na ang tawag.
Napailing na lamang ako at ngumiti na parang kinikilig.
Muli akong pumasok sa loob ng restaurant at naglakad patungo sa table namin.
Bigla kong napansin ang lalakeng blonde ang kulay ng buhok. Nakatalikod siya sakin kaya di ko makita ang kanyang mukha at nakaupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko kanina.