1 YEAR LATER
"You may now kiss the bride."
Nagharap silang dalawa at dahan-dahang nagkalapit ang labi.
1... 2... 3... Kiss!
**
"Mabuhay ang bagong kasal!"
"Mabuhay!"
Oo, kasal na kami ni Alyssa. Hindi na ako naghintay ng limang taon para lang pakasalan siya, kung talagang mahal mo yung tao, 'di mo na siya kailangang paghintayin... Well, para sakin.
"Abot tenga ang ngiti ah." Sabi niya sakin ng nakangiti.
"Kasal na tayo eh." Sabi ko sabay kiss ulit, pero sa cheeks lang.
"Group picture na!" Rinig kong sigaw nila Mommy, pumwesto kami agad kasama ang families namin at kinuhaan kami ng litrato. Sumunod naman kasama ang mga dating team mates namin.
Pagkatapos kaming kuhaan ng litrato ay binuhat ko si Alyssa hanggang sa labas ng simbahan. Wala na akong pake kung mabigat siya, okay lang naman na mahulog kami atleast sakin babagsak. Lol!
Bago kami magpaalam ay binato muna ni Alyssa ang flowers niya... At sinong nakakuha? Si Mika. Sakto dahil malapit na silang magpasakal ni Jeron, o diba sunod-sunod? Nakalimutan ko palang sabihin na Triple Wedding ang naganap, kasabay namin ang Synjin-Ella at Myco-Den sa kasalan, kaya daw Triple Honeymoon din.... Hindi na talaga mahihiwalay ang mag-beshfriends na 'to, sila din nagsuggest na ganun ang mangyayari.
9 MONTHS LATER
"Kiefer! Papayagan kita na hindi muna maglaro mamaya." Ngiting sabi sakin ni Coach.
"Salamat po!" Sagot ko. Magiging Daddy narin ako, ngayon na ang Due Date ni Alyssa kaya hindi pwedeng wala ako, nakakatakot magalit si Misis. Agad naman akong nagpaalam sa kanila at binati nila ako sa magiging unang anak namin na lalake.
Pagdating ko sa ospital ay nadatnan ko sila Myco at Synjin, ngayon din manganganak sina Ella at Denden. Nakakatawa lang kasi hanggang ngayon sabay-sabay ang tatlong babae na 'to. "Pare!" Bati ko sa kanila, halatang excited kaming tatlo sa pagiging tatay.
"Oy!" Bati nila.
"Daddy na tayo." Maligayang tugon ni Myco.
"Oo nga, mabigat na responsibilidad din." Sagot ko.
Mabigat, wala naman naging madali pero ma-enjoy ko talaga pagiging Family Man. Sa wakas!
Lumabas ang Doktor at sinabihan kami na pwedeng pumasok. Pagpasok namin ay nagchichikahan ang tatlo. "Hello girls!"
"Bakit ngayon ka lang?!" Nako po, highblood agad. Sabi ko kasi kanina nung tumawag ako na maaga akong darating kaso tanghali na akong nagising at pumunta pa ako sa gym para magpaalam sa team.
"Sorry po, natanghali ng gising tapos dumaan pa ako sa gym para magpaalam. Wag ka ng magalit, magiging tigre anak natin." Panglalambing ko sa kanya aba'y hinampas lang ako sa braso. Masakit. "Volleyball Player ka, wag naman mamalo."
Nagpout si Alyssa sakin, "Hmph! Sabi mo maaga ka darating. Ikaw Ravena, hindi ka na tumutupad sa pangako mo."
Hinawakan ko siya sa kamay tapos nilalambing, ito namang apat pinagtatawanan kaming dalawa. "Alam mong Athletes tayo, malamang busy. Sorry na po, hindi na mauulit." Sabay taas ng kanang kamay.
"Last mo na yan." Banta niya sakin.
"Opo."
"Ehem! Under si Koya." Singit nila Denden.
"Hindi naman..." Sabat ni Alyssa. "Quits lang." Sabay tumawa kaming lahat.
2 HOURS LATER
"Push!" Utos nung tatlong Doktor.
"Araaaay." Sigaw niya habang umi-ire. Ako naman ay nanatili sa tabi niya at hinawakan ang kamay, iisa lang Delivery room ng Team Besh.
"A-Alyssa, kaya n-natin 'to!" Pasigaw na nauutal na Ella, paunahan yata manganak ang tatlo, paano eh kada ire nagtitiniginan silang tatlo ng masama.
"Relax ka lang, Ly. Kaya mo yan!" Pag-encourage ko sa kanya, naawa akong tumitingin sa asawa ko, kita kong nahihirapan siyang umire. Malapit na Ly, malapit na. Sabi ko sa sarili ng nakapikit.
Ilang minuto pa ay lumabas narin ang baby namin. Take note: Sabay silang tatlo, isang girl kay Denden, boy kay Ella at samin ni Alyssa.
"Here comes the baby!" Maligayang sabi ng Doktor, since hindi pa pwedeng hawakan ay nilagay sila sa Warmer para gumawa ng iba pang basic tests, pagkatapos ay nilipat sa Bassinet.
A/N: Bassinet - isang maliit na higaan kung saan nilalagay ang new born Baby, ito ay may wheels. :)
Nilapit ko kay Alyssa ang baby namin at tinignan siyang mabuti. "Ly, ito na.." Panimula ko. "Gwapo niya, mana sakin." Natutuwang sabi ko.
"Uhm.. Mahangin." Pagtanggi ni Ly. "Yung mata, galing sakin."
"Sakin yung ilong." Sabi ko.
"Yung mukha niya... Kuhang-kuha sayo. Ikaw na malakas!" Alaska ni Alyssa sakin, bagong panganak palang tinatamaan nanaman ng amats.
"Siyempre, Ravena." Pagmamayabang ko tas umirap lang siya sakin.
"Bro, mas gwapo anak namin." Singit ni Synjin, kita ko anak niya, singkit ang mata. Mana kay Synjin yung soon-to-be inaanak namin. Napangiti naman si Ella habang tumitingin sa bunga nilang dalawa, future Volleyball Player ang batang 'to.
Hindi naman ako nagpatalo, "Eh... Singkit naman anak mo. Haha!"
"Tss.. Pasalamat ka may Phenom Powers yan. May Future nanaman ang UAAP!" Anito ni Synjin.
Nakita rin namin ang anak nila Den, napakaputing bata, akalain mong papel. Sabagay, maputi si Denden... Medyo Blue Eyes ang baby tapos kumikinang ang mata, manang mana kay Den yung baby nila.
"Ano naman balak niyong ipangalan sa kanya?" Tanong ni Denden.
Ngumiti kaming dalawa, "Kervin, Kervin Isaac."
BINABASA MO ANG
Heartstrings [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 2
FanficAng storyang ito ay nakapaloob sa Family Life ng bagong kasal. Tiyak na mas maraming pagsusubok ang kanilang tatahakin lalo na sa pagdating ng isang Anghel, ngayon ay magulang na sila, ano kayang hakbang ang kanilang gagawin para maging masaya ang b...