Chapter 1

7.9K 87 10
                                    

PRESENT DAY

Si Kiefer ay naglalaro sa PBA bilang Player ng Ginebra, si Alyssa naman ay nagtatrabaho nilang Clinical Psychologist sa isang kilalang ospital. Naglalaro parin siya ng Volleyball at kasalukuyang miyembro ng Petron Blazers kasama ang karamihan sa dating players at team mates galing Ateneo.

Naging mas makabuluhan ang buhay nila simula nang dumating si Kervin, nung una ay medyo hirap silang mag-alaga dahil first timers pero nakakahanap naman sila ng way para maalagaan ng mabuti ang bata kahit busy sila. Medyo suplado nga lang ang anak nila at matigas ang ulo kaya minsan hindi maiwasang mapagalitan ng magulang pero bumabait naman basta tapatan lang ng pagkain. One year old na si Kervin.

"Good ev-"

Naputol ang sasabihin ni Alyssa dahil nakita niyang hinahabol ng Yaya si Kervin na takbo ng takbo habang dala ang kanyang toy car.

"Ate!" Tawag niya at natigil sa pagtakbo ang dalawa.

"Ay! Ma'am, andyan na ho pala kayo, pasensya na po at medyo nagkagulo nanaman... Ito kasing anak niyo hindi nanaman sumusunod sa bilin niyo sakin." Sabi nung Yaya habang pinapalapit si Kervin. "Iho, tama na muna ang laro, sige ka magagalit ang Mommy mo. Kain na tayo." Panglalambing niya dito paglapit ni Kervin, agad naman binitawan ni Kervin ang laruan niya at tumingin sa Mommy niyang nakasalubong nanaman ang kilay habang tinitignan siya.

Tumingin si Alyssa sa Yaya nito, "Sige na po, kayo na mauna dun sa kusina, kakausapin ko lang 'to." At tumingin ulit kay Kervin, huminga ito ng malalim. "Kervin, anong sinabay ko sayo about discipline? Gusto mo sermunan ka nanaman ng Daddy mo?" Seryosong tanong nito.

Walang sagot na binigay si Kervin kundi ang i-yuko ang ulo, madalas niya itong gawin kapag sinusuway. "Shuri, mami." Paiyak niyang sabi. Ini-angat muli ang ulo at pinunasan ang luha saka lumapit kay Alyssa na nasa tapat ng pintuan, "H-Hindi n-na po uulitin. W-Wag mo na a-akong i-sumbong k-kay Daddy.... Please?" Sabi niya habang nilubog ang ulo at nakayakap sa binti ni Alyssa.

Minsan hindi lang sermon ang ina-abot ni Kervin sa Daddy, dumating din sa point na papaluin niya ito kaya naman kapansin-pansin na mas close siya kay Alyssa kesa kay Kiefer. Takot kasi ito sa Daddy niya.

Hindi mapigilang ngumiti ni Alyssa dun sa "Please" ng anak niya, alam niyang nagpapalambing nanaman ito pero sinabihan niya ulit... "Okay, wag ka na umiyak, pag dumating si Daddy at nadatnan kang umiiyak... Malalagot ka." Habang tinatanggal si Kervin sa pagkayapan sa binti niya.

"Opo, mami kain na tayo." Sabi niya habang hinihinala ang kamay ni Aly, "Baka gutom ka na."

"Okay, gutom narin si Mommy eh... Tara." Sabi niya habang pinapakiramdaman ang tiyan.

Habang kumakain sila ay dumating narin si Kiefer galing sa training at pag-mamanage ng negosyo nila, agad naman binati ang kanyang mag-ina. "Hello!" Agad naman napatingin ang dalawa at bumaba si Kervin para tumakbo palapit kay Kiefer, "Hello anak!" Bati niya dito. Naglabas si Kiefer ng isang shopping bag na may panibagong car at bumili din siya ng Basketball, "Diba gusto mo yan? Ito new toy car mo, tsaka I bought you a Basketball." Nakangiting sabi ni Kiefer, agad naman tinanggap ng anak ang bagong bili at nag-thank you sa Daddy niya.

Sinamahan niya si Kervin pabalik sa Dining table nila, natawa bigla si Kervin dahil sumama ang tingin ni Alyssa kay Kiefer. "Daddy, ayaw yata ni Mommy na maging Basketball Player ako paglaki."

"Oh, akala ko ba bola ng Volleyball?" Nakasimangot na tanong ni Alyssa kay Kiefer.

"Hon, pwede naman kung Basketball muna matututunan niya tsaka malayo pa ang College Life nitong anak natin. Ikaw naman." Nakangiting sagot ni Kiefer.

Heartstrings [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon