Isang linggo na ang nakalilipas simulang ma-ospital si Kervin. Si Alyssa ay hindi mapigilan umiyak tuwing naiisip ang problema pati si Kiefer ay iniisip kung kailan ba magigising ang Anak nila. Minsan ay hindi matuon ni Alyssa ang sarili sa trabaho, ang bigat kasi ng nararamdaman tuwing tatapak siya sa Hospital na pinagtatrabahuan at ngayong tinutuluyan ni Kervin.
Nagsimula na din magkaroon ng konting alitan sa pagitan ni Kiefer at Alyssa, madalas kasi kulang ang kain ni Alyssa at madalas rason niya ay dahil hindi maiwasan isipin ang kalagayan ni Kervin. Pinipilit ipaintindi sakanya na kailangan magpakatatag. Ginagawa naman ni Alyssa yun, mahirap lang talaga. Tuwing sasagi sa isip niya ang araw na yun, parang papatayin si Alyssa sa loob. Ayaw din niyang makipagusap sa mga kaibigan dahil nadedepress siya.
Kasalukuyang nasa trabaho si Alyssa, may kumatok sa kanyang pintuan kaya tumayo siya para buksan. Si Jovee, pagkabukas ay pinapasok agad siya at bumalik ulit sa pagtatrabaho si Alyssa.
"Ly, kumain ka naman. Alala na masyado si Kiefer sayo, lagi ka niyang kinekwento sakin." Pakiusap ni Jovee, imbis na pansinin ay sinulyapan kang siya nito. Nagbungtong hininga nalang. Si Jovee ang isa sa naging labasan ng problema ni Kiefer kay Alyssa dahil alam niyang Bestfriend siya nito at makakatulong din sa pagpapakalma kay Alyssa. "Ly, hindi ka nanaman sumabay sa lunch kanina. Worried na din sina Ella sayo." Hindi parin siya pinapansin. "You know what? I am doing my best to save your Son, you need to be strong." Sabi ni Jovee habang nakatingin sa ginagawa ni Alyssa.
Hininto ni Ly ang ginagawa niya at tumingin kay Jovee. "Hindi naman ako Santo para bigyan ng miracle ang Anak mo, hindi ako Diyos... Kung kaya ko nga lang, gising na dapat si Kervin." Pinaintindi ni Jovee sakanya ang pangyayari. Tama, hindi naman Diyos si Jovee. Doktor lang siya, nakakaligtas siya ng tao pero walang kasiguraduhan ang pangliligtas niya, madalas kasi nasa katawan na yun ng pasyente kung lalaban o bibigay na. "You should understand, Mommy ka at dapat ikaw ang mas malakas. Si Kiefer nga nagpapakatatag, bakit ikaw hindi mo kaya?"
"Natural lang naman na matatakot ako, he's my Son!" Mahinahong sabi ni Alyssa. Her face is already full of emotions, unang tingin mo palang makikita mo na ang hirap na dinaramdam. Sumandal siya sa upuan at tinignan si Jovee ng seryoso. "Bestfriend kita diba? Bakit hindi mo ako kayang intindihin?" Ramdam na sakanya ang panghihina, napatakip si Alyssa sa bibig matapos niyang kwestyunin si Jovee. "I am sorry."
"Naiintindihan kita at kahit wala akong Pamilya, naiintindihan ko nararamdaman mo. But there are things na kailangan mo rin maintindihan, wag ka kasing matakot... Lumaban ka, magdasal dahil ang Diyos lang ang makakapagsabi. Kami, gumagawa lang ng paraan." Mariil niyang tugon, tumingin si Jovee sa Family picture nila Kiefer at napangiti. "Napakagwapong bata, sayang at naaksidente. Hindi ko inasahan na sa ganitong kalagayan ko siya makikita, hinang-hina ako habang sinasalba ang Anak mo. Ngayon lang ako nagkaroon ng pasyenteng kasing edad niya, bago palang ito sakin." Tapos tumingin ulit siya kay Alyssa, ngayon ay may namumuong luha sakanyang mata. "I wished for a Family like this, kaso pinagkait sakin." Ngumiti ito ng may pait, nakatingin parin si Alyssa pero may halong pagtataka na ito.
"What do you mean?" Nakita ni Alyssa na may luha ng bumabagsak kaya kumuha siya ng tissue at ibinigay kay Jovee.
"Naalala mo yung sinabi kong papakasalan dapat? We actually have a Son, he's so handsome. Inalagaan ko talaga siya, dalawang taon na kami nung ex ko when I got her pregnant. Pinanagutan ko ang magiging Anak ko, I love my ex so much pero sinaktan niya ako by taking away our Son, Gilbert. Bumalik ng Amerika after sirain ang Engagement namin 4 months ago, 4 years old na si Gilbert when they left." Pinipigilan ni Jovee umiyak habang nagkekwento, si Alyssa naman ay nakinig lang ng mabuti sakanya. "Ayaw nga ni Gilbert sumama sa Mommy niya, nagsalita pa siya ng masama tungkol sa kanila nung kabit niya. Inexplain ko ang lahat and then pumayag siya under one condition na hahanapin ko siya kung sakaling babalik pa ako ng Amerika. May communication kami pero patago lang, recently tumawag sakin at sabi miss na niya ako. Gusto na daw niya umuwi sakin, wala akong magawang sabihin kundi maghintay lang." Pagtatapos ni Jovee at hinawakan niya ang necklace na nakalagay sa pocket, it belongs to his Son. Ibibigay niya dapat pero nakaalis na ang mag-ina nung pinuntahan sa Airport.
BINABASA MO ANG
Heartstrings [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 2
أدب الهواةAng storyang ito ay nakapaloob sa Family Life ng bagong kasal. Tiyak na mas maraming pagsusubok ang kanilang tatahakin lalo na sa pagdating ng isang Anghel, ngayon ay magulang na sila, ano kayang hakbang ang kanilang gagawin para maging masaya ang b...