Ikaw ang nagpaniwala sa akin sa salitang pag-ibig.
Mga mata'y nagtagpo at puso ko'y nag-iba ang pintig.
Tila nakakatunaw sa iyong mga titig.
Ang iyong pangalan ang aking bukambibig.Pinapakita mo sa akin na ako at mahalaga,
Puso ko ay punong-puno ng iyong alaga.
Pag-ibig mo sa akin ay sadyang kahanga-hanga,
Parang hiwaga ang nadama sa tuwing ikaw ay kasama.Inalis mo sa akin ang lahat ng aking hinanakit,
Pinunan mo ng kaligayahan ang puso kong napuno ng poot at galit.
Ginawa mo ito ng walang hinihinging kapalit,
Ang makulong sa yakap at halik mo ay parang ako'y nasa langit.Hindi ako nagkamali na ikaw ang aking pinili,
Ikaw ang nagbigay ng kalinawan sa isipan kong 'di mapakali.
Pinatunayan mong mas tapat ka pa sa tanghali.
Asahan mong sayo lang itong puso ko nakatali.
BINABASA MO ANG
The Rhyme Behind Those Words Unsaid
FantasyThis is a work of art. This is created from the words of unsaid thoughts, emotions and feelings. There is a story behind in every poems written. This is a compilation of beautiful poems written by your's truly, SweetYellowAngel