POEM 27: LODI KO SA FACEBOOK

442 7 0
                                    

(Vote and Comment)

Nang dahil sa facebook ikaw'y aking nakilala,
Sinearch ko ang iyong pangalan at ako'y napatulala,
Ang iyong makisig na mukha sa aking isipa'y di mawala.
Nang inaccept mo ang aking friend request puso ko'y nagwala.
*
*
*
Sa timeline mo palagi ako nakatunganga.
Araw-araw nag-aabang sa post mo na para bang shunga.
Nang nagpost ka ng iyong picture, ako'y napanganga.
Wala naman sigurong masama kong sayo ako humanga.
*
*
*
Pinusuan ko na ang profile picture mo.
Nag-react din ako ng Wow sa iyong cover photo.
Sabi ng kaibigan ko ay kahibangan na daw ang ginagawa ko,
Malala na siguro ang topak ng utak kong ito.
*
*
*
Fangirl na yata ang tawag sa akin,
Hangad ko lang naman ako'y iyong mapansin
Sana naman mga chat ko huwag mo lang i-seen.
Tuwing siniSEENZONE mo ako ay nasasaktan ang aking damdamin.
*
*
*
Ikaw na yata ang lodi na matagal kong hanap-hanap
Ang tanging petmalu na aking pinangarap-ngarap.
Isa lang naman ang hindi ko kayang matanggap-tanggap,
Ang larawan mo at ang iyong syota na magkayakap
*
*
*
Mundo ko'y tila gumuho,
At ngayon aking napagtanto,
Na kahit kailan hindi ako magiging parte sa buhay mo. Sapagka't may iba nang nakapasok diyan sa puso mo.

😍😘❤😂😅😑😢😭💔

The Rhyme Behind Those Words UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon