Chapter Four: An Attempt
Holly
I wake up thirsty and out of air.
Sa mga movies na napanood ko, kapag nagising ang bida mula sa isang matinding pangyayari, nakakalimutan nila ang lahat. But in my case, I remember everything. Every little puzzle piece that conspired to get me in this situation, I remember all of it.
Natatandaan ko na pumunta kami sa Malacañan Palace upang kunin ang mga documents na ayon kay Pauline ay makatutulong sa amin upang malaman ang tunay na nangyayari sa buong mundo ngayon. Natatandaan ko na sinugod kami ng mga armadong lalaki at pinagtangkaan ang mga buhay namin. Natatandaan ko 'yung sakit na naramdaman ko nang suntukin ako ng isa sa kanila, dahilan para mawalan ako ng balanse at mauntog sa isang cabinet. Natatandaan ko ang bakas ng matinding takot at pangamba sa mga mukha ng kasama ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nasaan na kaya sila?
I sit up, slowly, feeling dizzy all of a sudden. I know I'm in the headquarters of the president and his minions, even without actually seeing them here. Saan pa ba ako dadalhin nu'ng mga sundalo, hindi ba?
I lift my head, seeing my own reflection in the mirror in front of me. I'm wearing a hospital gown, my long, black hair falling limply past my shoulders. There's a tube embedded on my wrist that is connected to a strange machine.
How long have I been unconscious?
Using two of my fingers, I slowly pull out the tube, biting my lower lip as I feel the sharp pain. Napahinga ako ng malalim nang tuluyan itong matanggal.
Tumingin ako sa pintuan na ilang hakbang ang layo papunta sa akin. I still feel a little bit dizzy, but I can't waste any more time to let my body recover. I need to find out if they managed to capture my companions, as well.
I hope not.
Dahan-dahan akong tumayo habang pinakikiramdaman 'yung sarili ko. Mahirap na at baka bigla na lang akong matumba dahil sa hilo. Nang masiguro ko na hindi ako mawawalan ng balanse, bumitiw na ako sa kama.
I start to walk slowly towards the door, taking a deep breath with every step. Wala pang isang minuto ay abot-kamay ko na ang pinto.
I grip the doorknob tightly, considering if I should turn it or not.
I have no idea what's waiting for me on the other side of this door. Soldiers? Scientists? Aliens? The president himself? I know that I should feel scared, but I'm not. Sa nagdaang mga araw ay marami na akong naranasan. May mga pagkakataon pa na muntikan na akong mamatay. I'm not scared anymore. I have nothing to lose.
With a deep breath, I turn the doorknob, clockwise, then push the door open.
Sunshine, full-on and blinding, greets me.
I squint my eyes, letting them adjust. After ten seconds, I can now see my surroundings clearly.
I think I'm in a school building. Third floor, to be exact, as stated on a wall at the end of the hallway. Dahan-dahan akong lumapit sa railings at dumungaw sa ibaba. May mga taong naglalakad sa school grounds. Lahat sila ay abala sa pakikipag-usap sa isa't-isa. For a moment, I think that the soldiers who attacked us in Malacañan were not able to capture us. Instead, we defeated them. My companions defeated them. At nandito ako ngayon sa lugar na sinasabi ni Pauline. 'Yung lugar kung nasaan ang iba pang mga tao na nakaligtas sa syndrome.
"Gising ka na pala." Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Lumingon ako sa kanya.
"Sino ka?" tanong ko. "Nasaan ako?"
BINABASA MO ANG
Saving Humanity
Science Fiction2018 WATTY AWARDS WINNER (THE HEROES) (Stay Awake #2) After finding out that most of humanity had fallen into a deep sleep, Jared Caparas went online to find others who are awake. He met Andre, Felicity, Holly, Ian and later, the mysterious club sin...