Chapter Twenty-Two: Keep Going

1.4K 109 26
                                    

Chapter Twenty-Two: Keep Going

Felicity

"What are we going to do now?" tanong ni Andre. Rinig ko ang matinding takot sa boses niya.

Hindi ko makita ang mga kasama ko. Dahan-dahan akong humakbang patalikod hanggang sa bumunggo ako kay Ian. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kaliwang balikat ko.

We're trapped. Napapaligiran kami ng anim na mga.....bata. If we can still call them that. Nanlilisik ang mga mata nila at nakatingin sa amin, parang naghihintay ng susunod naming gagawin.

"Bata lang sila," narinig kong sambit ni Pauline sa likod. "There's four of us. Kayang-kaya natin sila, if we fight together."

But I'm not a fighter. Neither is Andre. And those children... There's something awful wrong with them. Hindi sila normal. Hindi ko alam kung anong pwede nilang magawa sa amin.

Isang maling galaw, at pwede nila kaming sugurin.

Biglang napamura si Andre. Nang tumingin ako sa likod ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

Dahan-dahang naglalakad papalapit sa amin ang tatlo sa mga bata. Every five seconds, they're taking one step towards us. There's something eerily calculated and organized about their moves. It's as if someone is controlling them.

"We're outnumbered," sabi ni Ian. "Hindi tayo pwedeng basta na lang sumugod. Who knows what they can do."

"But we have to try," Pauline says desperately. "O gusto n'yo bang ma-stranded dito buong gabi?"

Dahan-dahan na ring naglalakad papalapit sa amin ang natitira pang mga bata. Katulad ng naunang tatlo, kada limang segundo lang sila humahakbang. Sa loob ng ilang minuto ay makakalapit na sila sa amin.

"Tama si Pauline. We have to do something," nanginginig na sabi ni Andre. "Ayokong maging pagkain ng mga batang iyan."

"Ian?" tanong ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa bewang ko. "Anong gagawin natin?"

Patuloy na naglalakad ang mga bata papalapit sa amin. Tanging ang mga yabag lang nila at ang malalalim na paghinga ng mga kasama ko ang maririnig sa paligid. Iginala ko ang paningin ko upang makahanap ng weapon, o kahit na anong bagay na pwede kong gamitin na pang-depensa sa sarili ko.

We've managed to stay alive for a few days now. I refuse to think that this would be our final act. We will survive this. One of us will be able to come up with a plan before everything goes wrong.

Ganoon naman palagi, hindi ba?

Ramdam ko ang mainit na hininga ni Ian sa batok ko. We're standing so close to each other that I can feel his heart rapidly beating against my back.

"Felicity," he says. There's a tinge of panic in his voice, making my heart sink. "W-wala akong maisip. Wala akong plano..."

"Shit," Andre mutters. "Where's Jared when we need him?"

"Napakaluwag nitong expressway," Pauline states. "Right now, we're in the middle. Mas mahahaba ang mga binti natin kaysa mga batang iyan. We can outrun them, if we're fast enough."

Pero alam naming lahat na hindi namin kakayaning tumakbo sa loob ng mahabang oras. All of us are already exhausted. If we push through with Pauline's plan, the weakest person in our group might get left behind.

But it's better than nothing, right?

"Maghawak-hawak tayo para hindi tayo magkahiwalay," suhestiyon ko. "It will probably diminish our speed, but at least we're together, right?"

Saving HumanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon