Chapter Twenty-Five: Dr. Roberto Sanchez

1.2K 97 46
                                    

Chapter Twenty-Five: Dr. Roberto Sanchez

Felicity

Kinabukasan, ipinakilala kami ni Tony sa pamilya niya. They greeted us with smiles, assuring us that we would be safe here. Nagpasalamat kami sa kanila dahil sa mainit nilang pagtanggap sa amin. It makes me feel better, knowing that we managed to find good people as temporary companions.

Temporary, yes. Hindi pa rin kami pwedeng tumiwalag sa plano namin na pumunta sa Sanctuary. Doon ay mas magiging ligtas kami. Kakailanganin rin namin ang tulong ng mga tao doon upang hanapin at iligtas sina Holly at Jared. Naniniwala ako na buhay pa rin sila hanggang ngayon.

We are currently eating breakfast with Tony's family. There's plenty of food at the table: eggs, bacon, fried rice and slices of tomatoes. Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakakain ako nang maayos. It's a blessing that we met Tony last night.

Ian is beside me, looking uncomfortable. It is because one of Tony's kids, Myla, wouldn't stop staring at him. Halos hindi na nga niya pinapansin ang nanay niya sa tuwing sinusubukan siya nitong subuan ng pagkain. Namumula na ang mga pisngi ni Ian at halos hindi na niya inaangat ang tingin niya sa kanyang plato. Seeing him like this makes me feel giddy. I can tell from his expression that he's not used to being around kids.

Sa kaliwa ko, abalang nakikipag-usap si Pauline kay Dr. Roberto Sanchez. Tinatanong niya ang scientist tungkol sa vaccine na naging dahilan kung bakit hindi siya naapektuhan ng syndrome na pinakalat ng extra-terrestrial beings. Pinag-uusapan rin nila ang mga dokumento na natagpuan namin sa Malacanan Palace.

Apparently, a certain Dr. Jefferson Bartolome had written those documents. Siya ang pinakabatang scientist na nagtatrabaho para sa gobyerno. Bumuo siya ng isang team ng mga scientists para sa isang importanteng trabaho. Nagkakaroon na kasi siya ng masamang kutob sa mga ikinikilos ng Presidente.

"Si Dr. Bartolome ang head ng team namin. Simula nang makuha niya ang kanyang lisensya ay nagtatrabaho na siya para sa gobyerno," wika ni Dr. Roberto. "Sampu kami lahat sa team. Inutusan niya kami na gumawa ng vaccine para sa isang kakaibang airborne virus. Iyon ang unang beses na makakita akong ng ganoong klaseng virus. Noong sinubukan naming tanungin kung saan niya nakuha iyon, hindi niya kami binigyan ng sagot. Ang sabi lang niya, kailangan naming matapos ang vaccine sa lalong madaling panahon."

Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa kanya. Kahit si Andre ay pansamantalang itinigil ang kanyang pagkain upang pagtuunan ng pansin ang scientist.

"Pero pagkatapos ng ilang araw, hindi na kami nakatiis ng ama mo." Tumingin si Dr. Roberto kay Pauline. "Tinanong na namin siya kung para saan ba talaga ang vaccine, at sa wakas, sinabi niya sa amin ang totoo."

"May sinabi ba siya tungkol sa alliance ng Presidente at ng extra-terrestrial beings?" tanong ni Pauline. "Something that would help us understand why he would do such a thing. Why he would betray his own race."

Umiling ang matanda. "Ang sabi lang niya, kakaiba na ang ikinikilos ng Presidente. Madalas ay nagkukulong lang sa office niya, kasama ang batang babae na pinadala ng mga extra-terrestrial beings. Halos hindi na niya kinakausap 'yung iba pa niyang mga empleyado."

Ian leans forward. "Can you tell us more about the virus?"

"I wish I could tell you more about it." Bumuntung-hininga si Dr. Roberto. "Pero hindi na kami nagkaroon ng sapat na oras para pag-aralan nang husto 'yung virus. We barely even had enough time to complete the vaccine. All I know is that the virus is unnatural, something that has been specifically made to cripple the entire human race."

"Nasaan na si Dr. Bartolome?" tanong ni Pauline. "May balita ka ba sa kanya?"

Umiling lang ang matanda bilang sagot.

"How about the President?" muling tanong ni Ian. "Why is he awake? You said that Dr. Bartolome was the one who asked you to create the vaccine."

"Yes, he did, and he did it of his own accord, not because someone instructed him to do so. Nagkaroon ng leakage of information, dahil isa sa mga scientist sa team namin ang nag-report sa Presidente tungkol sa vaccine. That was why he was able to get his hands on it as well."

Natapos ang agahan na maraming tumatakbong tanong sa isip ko. Pakiramdam ko ay mas lalo lang akong naguluhan sa mga nangyayari. Kahit na ganoon ay hindi pa rin namin nakalimutang pasalamatan si Dr. Roberto sa mga impormasyon na ibinigay niya sa amin.

To show courtesy, I decided to help Tony's wife, Amy, to clean the table and wash the dirty dishes. She is a very talkative lady, and I admire that about her. Hindi kami nagkaroon ng awkward moment, at marami kaming napag-usapan. She kind of reminds me of my Mom.

I miss her. Sana ligtas siya.

Pagkatapos maglinis ng hapag-kainan, bumalik na ako sa kwarto namin. Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin ko. Nadatnan ko si Ian sa loob na nakasilip sa bintana. Pinapanood niya si Andre na nakikipaglaro kina Myla at Milo.

*Why don't you join them?" tanong ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin at umiling. "I don't like playing with kids."

"But you want to." I shrug. "I can see it on your face."

Umiling na lang siya at naupo sa kama. He really is a mysterious guy. Out of all of my companions, he is the only one who I know little about. Hindi siya masyadong nagsasalita kung hindi kinakausap, at hindi rin siya mahilig magkuwento tungkol sa buhay niya.

It makes me want to crack him open and take a little peek inside of him.

"Do you think Dr. Roberto told us everything he knows?"

Naupo ako sa tabi niya. "Oo naman," sagot ko. "Bakit naman siya magtatago ng impormasyon?"

He shrugs. *I don't know... I guess hindi lang talaga ako nagtitiwala sa kanya."

I let out a chuckle. "Hindi ka naman nagtitiwala kahit kanino."

"Nagtitiwala ako sa'yo." He lifts his gaze to look at me. I can't help but to look right back. There was something in his eyes, something deep and lonely and mysterious but at the same time, beautiful.

"I want to know who you are, Ian," I tell him without thinking about it first.

He flashes a timid smile, something that he rarely do. Then he stands up and walks to the door. Before he is completely out of the room, he turns to look back at me.

I wait for him to say something, but he just stares at me.

Then after a moment, he walks away.

Leaving me breathless.

Saving HumanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon