She Says I'm Hers

2K 112 22
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

N a t a l i a

"Since this is not our ride, kami na lang ang maga-adjust." Harper told Alek to stop the car, I'm not sure why. "Ibaba niyo na lang kami dito para naman sulit ang first ever LQ niyo," Wika nito na siya namang dahilan ng malakas na pagtawa ni Mykee. "Ngunit bago ang lahat, ano muna'ng tawagan niyo?"

"That's a good one, bee."

"I know, right?" There were a lot of oohs and aahs coming from the couple. "Honey? Love? Putobumbong? 'Wag bee, sa amin na 'yun, eh. Um, baby? Dapat hindi common para pak na pak. Something from the jeje era like mhineqouhwsz?"

"Tantanan mo 'ko, Harper. Masasabunutan na kita," Nagbanta na'ko pero tuluy-tuloy pa rin sila sa pagtawa. "Need ba 'yon?"

"Hay, naku!" Nakapamewang na nakaupo ang kaibigan ko. "Alangan namang tawagin mong ma'am, eh, 'di parang naka-role play kayo lagi ng porno nyan."

"Gaga ka talaga, Harper!"

"'Wag ka nang maarte dyan, kayo na ni ma'am, oh! Naku, lagot ka sa tatay mo nyan." Sadya naman talagang mapang-asar ang best friend ko kaya dinedma lang niya ang pagsaway ko sa kanya. "Uh, ma'am Alek, tanong ko lang ha?"

"Yes, Galvizo?"

"Papakain po ba kayo?"

Tinapik ko ang kamay ni Harper at napasigaw ng, "Hoy, bastos ka! Bakit mo naman siya tinanong ng ganyan?!"

Ganun din ang ginawa niya sa akin sabay banat ng, "Girl, madumi lang ang isip mo. I didn't mean cunnilingus! Tinatanong ko kung manlilibre si ma'am, gaga." Mykee and Harper laughed hysterically. Oo nga naman, I took the statement in a very wrong way. "Pagpasensyahan niyo na 'tong kaibigan ko, ma'am. Matalino naman talaga siya, eh."

"Thank you, Harper, ha? Thank you talaga, beks."

"Ooh, sa'n tayo nyan ma'am? Sa'n ho tayo nitong bagong jowa niyo?" Since wala naman na akong magagawa, sakyan ko na lang kaya? Tuwang-tuwa sila, eh. "Wait, tawagan niyo muna. Ano na, Talia? Pagalawin ang baso. Baka ikaw ang galawin dyan. Bahala ka."

At ang nakakagulantang na sagot ni Alek ay, "Oo nga, mag-isip ka na ng tawagan natin."

"Luh? Gumugusto din si ma'am, eh."

"Wala naman akong pake kahit pa malaman ng buong eskwelahan ang relasyon natin, eh. Kaya kitang buhayin, maski ilang lifetimes pa 'yan, Claveria." Ano daw? Grabe, hindi ko kinaya. "At siya nga pala, sa tuwing maririnig o makikita ko kayong nagdadaldalan sa klase ko, hahalikan mo 'ko, Natalia."

"Ay, pak! Sino ka dyan?"

"Harper, manahimik ka nga muna." Syempre, sumigaw ako ng, "Ano?!" na akala mo naman luging-lugi ako. Mesyo delayed na rin ang reaksyon ko. "At bakit ko naman gagawin 'yun, aber?"

"Dahil tayo na nga, 'di ba?"

"Tapos?! Hindi ko ma-gets yung koneksyon kung bakit gano'n ang parusa."

"You're mine now, Talia," Kikiligin sana ako kung maganda-ganda lang yung pagkakasabi, eh. "You will do exactly what I say. You, darling," Tinaasan ko siya ng kulay nang mapansin ko siyang nakatingin sa akin, "...will do all of my biddings. Understood?"

Tall, Dark and Dead (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon