Broken at a Young Age

1.3K 79 10
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

A l e k

Cariñosamente amado y profundamente llorado

She was indeed fondly loved and deeply mourned. My heart breaks every time I read the Spanish epitaph I have put on her tombstone, gripping the Ecuadorian roses that I always bring every time I visit. She was too young to go. It's my fault.

"Kumusta, mahal?" Bigkas ko nang aking marating ang huling hantungan ng aking pinakamamahal na si Calista Arzadon, bunso sa tatlong magkakapatid na babae na sina Morgana, Alora, at Calista. "Pasensya ka na at ngayon lang ulit ako nakadalaw," Sabi ko, ibinababa ang bulaklak sa tapat ng lápida. "Mira. Te traje unas flores." Rosas ang aking dala, pulang rosas, paborito niya. If she was here, she'd surely love it.

Ang libingan ni Cali ay aking ipinatayo makalipas ang pitong taon mula nang siya'y mamatay. Ipinalipat ko ang kanyang katawan nang akala ko'y napatay ko na ang kanyang kapatid na si Morgana. Pinahintulutan ako ni Alora na ilipat ang bangkay dahil ako raw ang pinakamamahal nito. Malaki ang pasasalamat ko dahil dito. Paboritong kapatid ni Alora si Calista at hindi sila gano'ng malapit ng kanilang panganay na si Morgana.

Ang huling hantungan ni Cali ay sumasalamin sa aming pagmamahalan. Ito na lamang ang natitirang istatwa sa lumang sementeryo na ito, ang iba sa kanila ay nagkandabasag-basag na. Hindi ito pinabayaan ng pamilya ni Maddie kaya naman hanggang ngayon ay maayos pa rin ito. I can't thank Maddie enough. In some way, Maddie saved me, and not the other way around.

Ang istatwa ng isang babaeng matiyagang naghihintay sa istasyon ng tren ay walang iba kun'di si Cali. Nakangiti ito, inaabangan ang aking pagdating. May hawak din siyang rosas dahil lagi niya akong ipinagdadala nito tuwing kami'y magtatagpo sa ilalim ng puno, sa tabi ng istasyon. Kaya naman napakaimportante sa akin ng punong 'yon sa kadahilanang isa itong alaala ni Calista.

🎶 Sam Fischer, This City

Hinaplos ko ang mukha ng istatwa, nagkukunwaring ito ang malambot na pisngi ni Calista. "Napakadaya mo," Nagulat ako. Muli, hindi ko na naman namalayang may tao na palang iba. "...buti pa ang bato, nagagawa mong tignan sa mata ng puno ng pagmamahal, samantalang ako, hindi mo man lang magawang bigyan ng tunay na ngiti. Yung genuine, walang pag-aalinlangan."

"Natalia..."

"Le trajiste flores." She must've seen the flowers I brought. Hinaplos niya ang braso ng istatwa pababa hanggang sa mapansin niya ang hawak nitong bulaklak.

"Si. Rosas."

"I never thought you'd like roses. I guess I have so much more to learn about you," Napakaganda ni Talia. Gusto kong ngumiti pero pakiramdam ko, nagtataksil ako kay Cali, na parang nariyan lang siya sa paligid. Isinantabi ko na lang ang pakiramdam na 'yon, at siya'y aking binigyan ng matamis na ngiti. Nawala lang ang ngiting 'yon ng sinabi niyang, "...including the fact that you're not human."

"Alam mo na pala..."

"Nung kelan pa." Natawa si Talia kaya naman ako nagtaka. "And that you're still crazy in love with the dead. Don't tell me nandito ka to console her dahil may feelings ka na sa akin?"

"It's not like that."

"Then, what?"

"You cannot question me sa mga gusto kong gawin." Tataas na sana ang boses ko ngunit ng makita ko ang kanyang mga matang nakatitig sa akin, nanlambot ako bigla. "Why are you here?"

Tall, Dark and Dead (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon