WMTMMP 1: First Impression
~*~*~
"Anu ba! Diba sabi ko dapat kahapon pa to naipasa?! Eh bakit ngayon lang toh?!" sigaw ko sa isang studyante na nasa harapan ko na parang iiyak na, tch kalalaking tao iiyak?
"Pre-president sorry po kung n-nalate ka-kasi po.." Hindi ko nalang siya pinatapos another excuse nanaman yan, mga walang kwentang excuses.
"Fine umalis ka nalang ngayon sa harapan ko bago pa may mangyare sayo." Mahinahon kong sabi sa lalakeng kaharap ko, pasalamat siya at marami pa akong dapat gawin kundi hindi lang yan ang aabutin niya.
"T-thank you po a-aalis na po a-ako." Hindi ko na siya pinansin at ibinalik ko nalang ang tingin ko sa ginagawa ko kanina.
Aist! Pangalawang buwan palang to ng school year andami ng ginagawa tapos yung iba naman hindi nagseseryoso, late pinapasa yung mga dapat nilang gawin bwis!t dagdag pa sa problema ko.
Pinakalma ko nalang sarili ko bago pa ulit ako magsimula sa ginagawa ko pero bago yun tinignan ko muna yung mga ibang studyante na nakatingin sa akin at bigla rin lang umiwas nung nakita nilang tumingin ako sa kanila.
Oo alam kong masungit ako pero ganyan talaga ako, sanay na rin lang naman sila at sila na rin lang may kasalanan.
hindi naman kasi ako magagalit kung walang silang kapalpakan na ginawa eh at wala rin lang naman akong pakeelam kung natatakot sila sa akin.
Aba dapat lang para agad nila akong masunod sa mga pinapautos ko at hindi sila magkamaling hindi ako seryosohin.
Nagsisimula na ulit ako sa paggawa ng dapat gawin ng matapos ko na toh dahil kelangan ko pang ireview yung magiging lesson namin bukas kaso habang nagbabasa ako nagsisimula nanaman sila sa mga bulungan pero hindi ko na pinansin, waste of time lang naman at sanay na rin lang ako.
"Grabe nakakatakot talaga si pres."
"Oo nga sinabi mo pa, walang tatalo sa kaniya sa tawag na Mr. M."
"Kawawa naman yung pinagalitan niya kanina, grabe siya makapagpahiya pero teka bakit Mr. M?"
"Duh? Alangan naman sabihin ko harap harapan na Monster diba? Pero kung sabagay buti nalang at graduating na siya aalis na din siya."
"Wag ganyan girl, marami ding makakamiss sakaniya may dating din kasi at mayaman ang kaso.."
Bago pa siya matapos sa sasabihin niya naputol ko na yung pencil na ginagamit ko sa pagsusulat at mukhang napansin nila kaya biglang umalis ng room.
Tch kung magbubulangan siguraduhin nilang hindi ako nasa iisang room kasama sila mga istorbo.
Ipinikit ko nalang muna mga mata ko para makapagisip-isip at para pakalmahin ulit ang sarili ko.
*sigh*
Sa galit ko hindi ko pa pala naipapakilala sarili ko. Darren Jake Lucas, student council President sa Vallford Academy . 4th year student, age 16.
At ngayon andito ako sa student council room. Kasing laki rin lang ng mga class room pero may sari-sarili kaming mga officers ng desk para walang sagabal tuwing may ginagawa kami lalo na ngayon malapit na ang unang festival na ginaganap sa school namin tuwing 2nd month ng school year.
Welcoming festival, isang festival na pakana ng magaling naming principal. Parang welcome party ng mga new students dito pero hindi lang basta basta ganun kadali kasi kelangan may mga pakulo pang mga booth at kahit anu pa pero sa mga gusto nilang mga gawin na booth at pakulo dapat may permiso naming student council.
BINABASA MO ANG
When Ms. Troublemaker Meets Mr. President
RomanceA story full of nothing but the story of our dear Monster President and our dearest Miss Troublemaker. He who hates troubles because he's a PRESIDENT and a president should always follow the rules and one rule of him? 'Don't mess up with me.' Rule p...