WMTMMP 9

877 17 1
                                    

WMTMMP 9: (Part 2) Broken Hearted

~*~*~

"Hindi mo ako ihahatid?"

"At bakit naman kita ihahatid? Hindi ko alam kung saan ang bahay mo at wala na akong pera kaya maglalakad na ako pauwe." Kung babae lang to hindi ko na kelangan mag tanong pero dahil sa hindi siya babae na tulad ng iba, wag na lang -.-.

"Ehhhh. Lu busog na busog na ako."

"So? Kaya mo pa naman lumakad ah."

(Haha sorry ganyan talaga character niya hindi GENTLEMAN xD)

"*yawn* -3- Inaantok na ako." Napangiwi nalang ako, ang dami kong problema sa buhay at ngayon nadagdagan nanaman tsk. Hanep din tong isang to eh, pangatlong beses palang kami nagkikita ganyan na siya makaasta hindi niya ba naiisip na pwede siyang mapahamak sa ugali niyang ganito? Paano kung hindi mabait na tao yung... Hayyss pasalamat talaga siya at.

"Tsk fine! Saan ba bahay niyo?"  Mamaya ako pa may dahilan kung makatulog to sa daan at may mangyare, malamang kargo ng konsensya ko.

"Hihi bait mo talaga. Dun lang sa *blahblah* village 5th house. *yawn*" malapit lang pala sa condo unit ko, hay nako.

"Tara na bago ka pa makatulog sa daan." pag-aaya ko at nagsimula na kaming maglakad.

Nakakailang hakbang na kami at nakakailang bunguan na rin. No choice pumunta nalang ako sa harap niya at patalikod na lumuhod. "Hop in." 

"Pfft. Hahahaha." Oh edi ako din lang pinagtawanan, ako na nga nagmamagandang loob. Masyado ata akong pinalaki ng mabait ng magulang ko para maisip na ipasampa ko siya sa likod ko ng ganun ganun nalang. Ay hindi pala, biro lang yung masyadong mabait -__-

"Ayaw mo edi wag." Papatayo na ako ng bigla siyang sumampa sa likod ko at buti nalang nasalo ko agad siya kundi dalawa kaming mapapahiga sa gilid ng daan na parang tanga.

"Teka haha. Minsan lang may magoffer ng piggy back ride kaya dapat hindi pinapalampas!" masaya niyang sabi.

"Alam mo kung normal na babae hindi talaga sila sasampa sakin." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko abnormal ka."

"Alam ko haha."

Hayss feeling ko nagkaroon ako bigla ng babaeng kapatid urg.

Nagsimula nalang akong maglakad nung nagsalita ulit siya "Thank you." 

I never thought that I'm doing this stuff or even worse I'd never thought that I would even dare to do this kind of stuff tsk. But I guess this will just happen once.

Teka nga. Napatigil nalang ako saglit at napaisip. Sa una at pangalawang beses na pagkikita namin, ang tawag ko lang sa kaniya ay Hoy o Momo o kaya naman babae pero never ko pang natanong pangalan niya, yung totoo -___-

"Oi." Pagtatawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Hindi ka pa nagpapakilala sakin."

"Huh?"

"Gusto mo Babae o Momo nalang itawag ko sayo?"

"Ohhh. Oo nga no? Hindi ko pa pala nasasabi pangalan ko haha."

"Hmmmm." pag-iisip niya sa sarili niya.

"Pangalan mo lang nahirapan mo ng sabihin?" 

When Ms. Troublemaker Meets Mr. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon