WMTMMP 14: Bad Remedy?
~*~*~
TRACE POV
"Hoy jake, nakasimangot ka nanaman?" salubong ko sa kaniya pagkapasok ko sa SC room.
Tinignan niya lang ako saglit saka bumalik sa pagta-type sa laptop niya. Napailing nalang ako at inilapag yung mga hawak kong papers sa lamesa niya.
"Para san naman yan?" Tignan mo to ang sungit nanaman.
"Sabi kasi ng mga teachers na nagpasagot lahat ng to, ikaw nalang daw magcheck tutal ikaw rin halos nakaperfect ng mga to." Imbis na pansinin ako tinabi niya lang yung mga papel ko sa gilid. Ba't ba ang tahimik nito ngayon? Hah?
Ah! Nga pala!
"Oy Jake! TUTAL tayo lang naman ang tao dito... baka naman sasagutin mo na MGA tanong ko ngayon?"
Class hours kasi ngayon at andito kami ng may paalam sa teachers kaya ok lang.
Dahil na rin siguro sa kakulitan ko ay napasara nalang siya ng laptop niya at inis na tumingin sakin :D.
"Ano?" irita niyang tanong.
Haha ang lakas ko talaga xD. Pagkakataon ko na rin to no, limang araw na nung ArtFest at yung kumakalat na issue sa kaniya at sa whole week na yun either siya yung busy o kaya hindi ako kinakausap o ako yung busy kakagawa at retake ng mga activities and quizzes na na-miss ko sa 1 week kong pag-aabsent kaya hindi ko pa siya natatanong ng kahit ano. At syempre hindi dapat palampasin ang ganitong pagkakataon hahaha.
"Uhh yung... Aham! Deretsong tanong, alam kong nakita mo na yung kumakalat na article sa School Website and School paper sa ArtFest diba?" Hanep nga ang daming comment dun sa site kung sino daw yung girl hahaha maraming nagwelga marami ring na-sweetan xD.
"Tapos?"
"Jake sagutin mo nga ako ng totoo..... kaibigan mo ako pero kelan ka pa natutong magtago ng relasyon?! Hah?!"
Sinamaan niya lang ako ng tingin at hindi pa nakuntento at kumuha ng crampled paper saka binato sakin. =.=
"Kelangang mangbato?"
"Oo para tumigil ka sa kahibangan at kalokohan mo."
Hmmm so ibig sabihin..... "Kung hindi mo yun jowa edi... Di nga? Wag mong sabihing pati ikaw may fience na ri--- Aray!"
Gago to ah nagbato nanaman ng crampled paper sa mukha ko. -.-
"Stop being an idiot, retard. Kaibigan ko lang siya." Oy, si Jake ba to? First time na marinig ko yung statement na yun ah pramis.
"Kaibigan? O ka-ibigan?" taas baba ko pang tanong na binalik niya lang ng sama ng tingin.
"o baka naman totoo nga na kaibigan mo siya NGAYON tapos sa susunod na araw eh iba n--- Hep! Oo na, hindi na. Titigal na." Suko na ako hindi na mang-aasar. Sunod ng ibabato ballpen eh, brokenhearted yung tao brokenface pa! Patong patong pre.
Bumalik nalang ako sa upuan ko at siya naman yung papers na yung inaatupag. Habang nakaupo hindi ko talaga mapigilan mapag-isip isip.
"Oy Jake, sure na kaibigan lang kayo?"
"shut up."
"Eh ano yung jersey? Diba ayaw mo ng nagpapahiram ng gamit mo. Samin nga rin ni Ni— Jasmine madamot ka."
"Wala lang akong choice nun. And besides its none of your business."
"Ok huling tanong, kelan ka pa natutuong maging swee--- Puta! Ang sakit nun ah!" sigaw ko. Aba tamaan ka ba naman ng stapler (buti nalang yung maliit lang) sa ulo tignan natin kung hindi ka lang mapa-aray sa sakit -__________- + ..
BINABASA MO ANG
When Ms. Troublemaker Meets Mr. President
RomanceA story full of nothing but the story of our dear Monster President and our dearest Miss Troublemaker. He who hates troubles because he's a PRESIDENT and a president should always follow the rules and one rule of him? 'Don't mess up with me.' Rule p...