"AMBERRRR!!!" sigaw sa akin ni Grace, alam ko na agad kung ano ang dahilan ng pagsigaw niya. Andito na sya!
Agad akong tumayo at lumabas ng classroom at pumunta kung saan naka pwesto si Grace. Tinuro naman nya sakin agad ang lalaking kakarating palang at naglalakad patungo sa mga barkada nyang naka upo sa may bench.

Minasdan ko bawat galaw ng kanyang katawan, ang mga ngiti nyang nakakasilaw at mata nyang kumikislap na parang bituin sa kalawakan. Kyahhhhh!!! Bat nagiging chessy ako pagdating sa kanya. Pero okay lang! Atleast inspired nanaman ako buong araw ^_^

"Ayiehhhhh!!!! Si Amber kinikilig" asar sakin ni Grace habang niyuyogyog ang braso ko.
"Aray!"sabi sabay sampal ko sa kamay nya.
"Sakit non huh!"reklamo nya.
"Alam mo, buo nanaman yung araw ko."sabay ngiti ko ng malapad.
"Ilang beses mo na kaya yang sinasabi sakin pag nakikita mo sya, may---" Di ko na sya pinansin. Titig na titig ako kay crush.

Yung feeling na nakita mo lang si Crush buo na yung araw mo ,nakaka inlove.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dala kong ballpen, kinikilig ako kahit di naman nya ako pinansin. Yung tipong nakita mo lang syang naka ngiting papalapit sa nga barkada nya bumibilis yung tibok ng puso mo.

"Oi Amber, Grace pasok na kayo nandito na si Ma'am" sabi samin ng aming kaklase.
Tumingin ako sakanya bago sumagot,
"Sige, saglit lang."pagtingin ko sa pwesto ni Crush nawala na sya.Ang dali naman nyang nawala.
Kaya ayon pumasok nalang ako sa classroom at nagpatuloy sa ginawa kong homework. Di ko kasi natapos sa bahay , busy ako sa pag stalk sa kanya. Hehehehe bakit ba!
Ni wallpaper ko nga yung picture nyang naka upo sya sa may bench habang nagbabasa ng libro, stolen daw yun kunwari sabi pa sa caption nya.

Mga around 50 yung pictures nya sa phone ko, yung iba selfie nya yung iba naman ako yung kumuha gamit ang camera ko. Di naman ako nagpapahalata , madami ngang pagkakataon na nakita ko sya sa mall, sa park, sa pharmacy na mag isa o di kaya kasama nya yung kapatid nyang babae at sakto namang dala ko yung camera ko, kaya pictures palagi hahaha!

Kahit anong angulo nya ang gwapo parin nya kahit nakasimangot, nagagalit , tumatawa at naka smile lahat ng yan may pictures ako sa kanya. Binansagan nga akong dakilang stalker ng mga kaklase ko dahil dyan.

Kahit keylan di ako na turn off sakanya. Kahit may mga times na nagka girlfriend sya di parin ako na tuturn off kasi sa akin " Mag-asawa nga maghihiwalay, sila pa kaya!" hehehe yan yung nasa isip ko palagi. Kaya ayon naghiwalay din sila, at em so happy na single sya ngayon.

Di ko namalayan na nag tuturo napala yung guro namin. Habang busy sya sa pag didiscuss may kumatok sa pintuan ng aming classroom. Agad naman nya itong pinuntahan.

Nagulat ako ng pumasok si Crush na may dalang libro at mga papel.

"Ahmm... Ma'am Ann, sabi ni Principal Tan ipapa distribute daw to sa mga student para ipa fill up para sa incoming Intramurals day ng school" pinakita nya naman agad yung mga papel na sinasabi nya.

"Kung sino yung may gustong salihan na sports diyan or any competition, just put a check dito sa may gilid. Anyways meron din tayong Mr. And Ms. Intramurals of KPIS International School, please guys just tell me or the other officer ng school kung sino yung napili nyo para i represent tong section nyo. " dugtong nya habang di parin nawawala ang happy mood nya.

How I love his voice 😍

"Ahh ganon ba, Oh! Sinong president ng classroom nyo?" sabi ni Ma'am Ann at agad namang nagtinginan ang mga kaklase ko sakin.Bakit? Di naman ako yung class president ah!

Tumingin sakin yung president at kinindatan ako.

O.o

Gulp

An Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon