Di ko parin maalis-alis sa isipan yung nangyari nong nakaraang araw. Di ko kasi maintindihan ang pakiramdam ko, kung matutuwa ba ako dahil at last napansin na ako ni crush , o malulungkot ba dahil nalaman kong may communication pa sila nong ex nya. Hayss!! Kailan ba katagal makaka move on si Danzel? Two years na silang nagbreak ah!

-.- Eh? Wala naman ata akong karapatan para mangialam pa.

Wednesday ngayon at lahat ng studyante may kanya kanyang outfit. Every Wednesday kasi dapat lahat naka civilian, so pag naka uniform ka hindi ka pwedeng pumasok. Saklap noh XD

Di ko pa nakita si Danzel simula nong lunes , sabi nong classroom president namin may competition daw na sinalihan si Danzel. Baka tennis yun, usap usapan kasi na may competition sa ibang school nong lunes pa. Sana naka pasok sya at ma uwi nya yung medalya.

"Amber!" nagulat ako ng may sumigaw nang pangalan ko galing sa likuran kaya agad akong napalingon.

"Akala ko ba may kukunin ka sa library ngayon. Tara! " nga pala si Lorie, isa sa kaibigan ko.

Agad na akong tumayo at nag simula ng maglakad kasama si Lorie patungo sa library.

Aside kang Grace at Lorie naging kaibigan ko narin si Leah, Isa pala sya sa hinahangaang photographer ng school, kaya pala ang ganda nyang kumuha ng litrato ni Danzel and sabi pa nya kaya sya kumuha nong pictures ay para raw yun sa school news paper. And I'm so lucky to have the original copy. Pag nasa news paper na kasi blur o di kaya black n white. Haysss ampangit kaya pag ganon.

Pumasok na kami ni Lorie sa library at sinimulan na ang paghahanap nong libro para sa aming gagawing project.

"Amber! Ito yun diba?"tawag ni Lorie sakin sabay bigay nong libro.

Binasa ko ito at napangiti sa tuwa ng nalamang nakita nanamin yung libro.

"Oo ito nanga iyon" nakangiti kong sabi kay Lorie.

Naglakad na kami patungo sa librarian upang hiramin ang libro.

"Di nyo ba hihiramin ang ikalawang bahagi nito?"seryosong sabi nong librarian.

"Ahh..."napatingin kami pareho ni Lorie.

Nag sign naman ako na ako nalang ang kukuha.

Kaya pumunta na ako sa pwesto ni Lorie kanina.

"Sang lupalop kaya yun nakalagay"bulong ko sa sarili.

Habang naghahanap ako, may isa ring taong naghahanap din ng libro sa harapan ko. Di ko gaanong maaninag ang buong mukha nito tanging mga labi lang nya ang aking nakikita dahil natakpan ng mga libro ang ilong at mata nito. Di ko maiwasang hindi maka tingin.

Minasdan ko sya nang maigi.

Sinundan bawat kilos at kung saan sya pupunta.

Ngunit di ko parin gaanong nasisilayan ang mukha nito.

Danzel??

Imposibleng si Danzel!! Diba may competition sya ngayon?

Pero bat bumilis ang tibok ng puso ko, di ko alam kung bakit?!

May masama bang mangyayari?

Akala ko ba kang Crush kalang titibok puso ko?

Di nako loyal T.T

Di ko parin inaalis ang tingin ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

Wahhh parang si Danzel!!

Huminto sya kaya napahinto rin ako.

Nagulat ako ng hinila nya ang isang librong nasa harapan ko.

O.o

"Oh?! Hi Amber" ngiti nyang sabi sakin.

An Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon