"Amber, Kami nalang gagawa nong project." sabi ni Lorie sakin.
"Bakit?"tanong ko.
"Don kasi matutulog si Grace sa bahay at para narin di ka mapagod" nagulat ako sa rason nila.
"Bat di nyo ako sinama?" tanong ko
"Eh kasi di kanaman papayagan ng kuya mo." sabi naman ni Grace.
"Sige nanga! Pero salamat ha!" ngiti kong saad sakanila.

Pagkatapos ng aming klase napag desisyonan kong pumunta muna sa may grocery bago umuwi sa bahay.

Habang naglalakad ako sa may hallway.
"Amber!" nakita ko naman si Leah na papalapit sakin habang bitbit ang kanyang camera.

"Oh bakit?" tanong ko sakanya.

" May gagawin ka this Saturday?"tanong nya sakin.

"Ewan...Di ko alam. Bakit?"

"Ahmm... May gagawin kasi kaming outreach program this saturday. Tapos kulang kasi kami, I mean yung kagroupo ko. Sinabihan ko na si Ma'am kung pwedeng kulang yung groupo namin pero sabi nya kailangan daw 5 kami"

"Tapos?"

"Pwede bang ikaw nalang muna yung papalit sakanya?" nagmamaka awa nyang tanong sakin.

"Huh? Eh bakit ako? Pwede ba iyon?" tanong ko, seryoso hindi ko pa gaanong close as in close si Leah, minsan nga naiilang pa ako sakanya.

"Eh Oo naman syempre. Sabi kasi ni ma'am okay lang daw taga ibang section. Wala naman kasi akong ibang kaibigan diba. Sinabihan ko na sina Grace at Lorie pero busy kasi sila pareho." di kasi masyadong friendly si Leah sa iba. Ewan ko nga kung bakit naging kaibigan ko sya.

"Ahhh ganon ba. Try ko, text nalang kita" ngiti kong sabi sakanya.

"Salamat talaga Amber!" niyakap nya ako.

"Try diba sabi ko"patuloy parin nya akong niyakap.

"Na eexcite lang talaga ako. Sige" humiwalay na sya sa akin. Nakita ko naman sa itsura nya kung gaano sya kasaya.

"Sige" pagkatapos non nagpaalam na sya. May gagawin pa daw sya sa faculty.

Hayss.... Parang may sched na ako this sat.

Naglakad na ako patungo sa grocery na kung saan balak kung bumili ng mga chips. 

Teka magkaklase pala si Danzel at si Leah noh. Oh My!! Sana!!

Pagkapasok ko sa grocery store, agad akong pumunta sa may mga pagkain na puro junk food. Isa isa akong kumuha at pumili.
Hanggang sa may narinig akong chismis sa likod ko. Kaya nilingon ko ito at nakita kong schoolmate ko sila, nakita ko na kasi sila sa school and the same time ay nakasabay ko na sila sa mga P.E exercise.

"Do you know what? May bagong transferre sa school natin, kanina pa daw nag pa enroll"

"Oo eh, narinig ko rin yan.. Hmm.... Sabi nila pogi raw"

Haysss di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagpili.

"And I guess parang matagal na silang magkakilala ni Danzel, yung taga first section na lalaki."

Napahinto ako...

"Ba't mo naman nasabi?"

"Magkasabay kasi sila kanina sa office at tsaka sa pag uwi. Tapos parang nagtatawanan sila at nag kukwentuhan. Mukha talagang matagal na silang magkakilala"

"Ahh..."

Umalis na sila habang ako ay nanatili parin sa pwesto.

Hmm... Sa pag ka alam ko wala naman syang kapatid na lalaki, wala rin naman syang cousin na lalaki. Sino kaya yun?

An Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon