KABANATA 2

5.9K 338 41
                                    

(Hayden Zyrienne's POV)

Ako na ang magpakilala. Tumingin ako sa kanila ng blanko.

"I'm Hayden Zyrienne Reduxes," ikli kong pagpapakilala.

Aalis na sana ako sa harapan para makaupo na nang may naririnig akong mga bulong-bulungan na tungkol sa pangalan ko. Ang sakit sa tainga. Parang tunog kasi ng bubuyog.

"Hayden ang pangalan niya?"

"Oo nga ang weird,"

Bakit ang sarap manapak ngayon ng tsismosang bubuyog? What's their deal about my name? Pangalan ko 'to kaya wala silang pakialam kung bakit ganito o kung ano ang pangalan ko.

Hindi naman sila ang nagpangalan sa'kin. Dinaanan ko ng tingin ang dalawang tsismosa na pinag-uusapan ako at 'yong isa ay pahawak-hawak pa sa cellphone at na parang maarte at 'yong isa naman ay sinamaan ako ng tingin.

Umupo na ako sa upuan at tiningnan ang prof namin na maraming announcement. Pagkatapos niyang sabihin ang rules and regulations ay umalis na siya. Nang umalis na ang prof naming sa room, bigla na lang silang nagtayuan para lumipat ng upuan para makipag-chika.

"Girls, ako nga pala si Michael, anong pangalan n'yo?" Tiningnan ko ang bading na kulang nalang ay maging clown sa sobrang kapal ng make-up.

Ngumiti si Crissa sa kanya at lumapit naman si Kathleen at Micca sa kanya at nagpakilala sa isa't- isa.

Hindi ba siya nakikinig kanina? See? Walang kwenta rin 'yong pagintroduce-introduce namin.

"Ako si Crissa. Sila si Micca, Kathleen, Jeseryll at Hayden," sabi ni Crissa at tinuro pa kami isa-isa habang binabanggit ang mga pangalan namin.

Mabuti naman may sumagot sa kanya. Hindi niya kasi muna tiningnan kung friendly ba ang taong kinakausap niya o hindi.

Me? Choosy ako pagdating sa kaibigan. Why? kasi mas mabuti pa 'yong choosy ka para makilala mo muna siya ng lubusan kaysa naman sa kakaibiganin mo ang taong kakilala mo pa lang pero parang may masamang intensyon pala sa'yo o bad influence lang sa'yo. Mabuti na 'yong sigurado.

Nagkuwentuhan lang sila ang iba nakipag-batuhan pa ng papel. Mga isip bata. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Wala na bang papasok na teacher?

So, ano lang 'yong tuition na binabayad dito? Design? I-uuwi nila sa bahay nila?  Ang mahal pa naman ng tuition dito.

Habang hinihintay namin ang prof na kung sakali may pumasok. Hindi ko maiwasang isipin na, ano kaya ang gagawin ng magulang ko kapag wala ako sa bahay ngayon? O mawawala ako katulad ni ate?

Mag-alaala ba sila o hindi? O masaya sila kasi nawala ako kasi ako rin naman ang dahilan ng pagkawala ni ate kaya siguro gustuhin din nilang mawala na rin ako. Tutal parang patay na rin naman ako sa kanila. Ayaw na rin nila akong makita.

Napabuntong hininga naman ako ng maisip ang mga katagang 'yon. Tiningnan ko muna ang wrist watch ko. 6pm na pala pero wala pa ring pumapasok na prof at ingay pa rin ng mga kaklase ko. Maka-idlip nga muna.

Kinuha ko ang earphones ko at sinalpak sa tainga ko.

(3 hours later...)

Naalimpungatan ako kasi parang yumuyugyog 'yong tinutulugan ko. May earthquake ba? Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa harapan ko ang mukha ni Crissa. Napapikit naman ako ng mariin at napakamot. Kahit kailan 'tong babaeng 'to napakahilig mambulabog ng tulog.

Bumangon ako mula sa pagka-idlip. Medyo nangangalay na 'yong mga kamay ko.

"Ano dzae? Dito na lang tayo matutulog? Sleep-over sa room?" sarkastikong sabi niya.

DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon