KABANATA 10

2.4K 185 43
                                    

(Hayden Zyrienne's POV)

Time: 5:55pm

5 minutes na lang bago mag 6pm. Wala bang balak bumalik si Micca rito? O baka naman plano niyang magpaiwan sa loob dahil nga broken hearted siya.

Nakaupo lang ako rito sa room hihintay ang mga kaklase ko at nagmamasaid. Maya-maya ay dumating ang na ilan sa mga kaklase ko.

I hope that Christian will wake up on the truth that I don't like him or I can't crush him back. Ayaw ko lang na may taong nagkakagusto sa'kin pero hindi ko naman magugustuhan pabalik.

Tumunog na bell, tanda ng magbubunot na ulit kami ng card.

Pumasok na rin ang mga kaklase ko. Nang nasa loob na kami lahat biglang sumara ang pinto. As usual. Hindi na ako nagulat. Machine kasi 'yan sa tingin ko pero puwede rin naman ang spiritual reason.

"Bumunot na kayo ng mga card," sabi ng boses sa speaker na sarap hambalusin kasi paulit-ulit lang ang sinasabi.

Bumunot na ang lahat.

'You can continue your day,'  basa ko sa nabunot 'ko.

Napakunot naman ang noo ko. Wala ba siyang mas kathrill-thrill na message dyan? Ang corny naman nito.

Pagkatapos kong bunot ay agad na rin akong umupo. Napatingin ako sa ilan na masaya at may ilan na naiiyak, lalo na 'yong natatakot.

(Third Person's POV)

Halos hindi makagalaw si Bryan mula sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya ang nakasulat sa kaniyang nabunot na card.

'Sorry, but you're next'.

Parang panaginip lang na ayaw niyang mangyari pero wala siyang magawa kasi mangyayari na. Bigla niyang naisip ang kaniyang pamilya na hindi na niya ulit makakasama.

Itinapon niya ang card niya at lumabas. Kailangan niyang makalayo roon para sakaling hindi siya mahanap ng mga nakamaskara. Ayaw pa niyang tanggapin ang kaniyang kapalaran ng gano'n lang. Marami pa siyang pangarap sa buhay na dapat niyang makamit.

Sa kabilang banda halos mabilaukan ng tinik si Chanelle nang nabasa niya ang nabunot niyang card. Halos mangiyak-ngiyak na siya ngunit wala siyang magawa.

"Hindi, hindi," bulong niya sarili at biglang tumakbo palabas ng room.

Susunod na sana ang mga kaklase nila pero agad nasarado ang pinto. Isa rin siyang tao na hindi niya matanggap ang kaniyang kapalaran.

Tumakbo si Bryan sa kanilang gate at pinipilit na buksan ang gate pero bigo siyang mabuksan 'yon kasi may mga wires nang hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ang lalaking nakamaskara at sinaksak siya sa puso, tiyan, sa mata at ginuhitan ng numero 7 sa kaniyang pisnge gamit ang isinaksak sa kanya.

***

Takbo nang takbo si Chanelle nang may nakita siyang tao na nakatalikod sa kanya. Pamilyar ito sa kaniya kaya nilapitan niya ito.

Nang nakalapit na siya, lumingon naman ang taong nakita niya at laking gulat niya na kaklase niya pala ito kaya pamilya sa kanya.

"T-Tulungan mo 'ko! A-Ako na ang susunod na papatayin," sabi niya habang palinga-linga sa paligid baka masundan pa siya ng mga lalaking nakamaskara.

"Ano? Sige sumama ka sa'kin," sabi ng kaklase niya.

Nilihad ng kaklase ang kamay niya at hinawakan naman ni Chanelle ang kamay niya. Alam niyang mabait ito at alam niya rin na matutulungan siya nito kasi magkaklase sila.

DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon