KABANATA 1

12.2K 459 169
                                    

(Hayden Zyrienne's POV)

Another boring night. As usual I need to be ready. Because today is the first day of school. Panibagong yugto ng buhay na kung saan kailangan mo harapin ang bagong oras ng klase.

3pm hanggang 10pm ng gabi ang klase namin. Doon lang pinapasukan kong paaralan ang may ganyang class hours. Parang mga pokpok kasi tulog sa umaga at gising sa gabi. Kasi naman napapa-isip ako na nakakasawa na 'yong palaging umaga ang klase. Saka ako 'yong tipong tao na hindi nagigising ng maaga kahit na may alarm clock o kahit ano pa 'yan. Tulog mantika kumbaga.

Why do I need to be early in the school? I'm not the type of student that so called 'sipsip.' Saka mabo-bored lang ako roon. Kung puwede lang hindi mag-aral ay gagawin ko na pero sayang ang future ko pagnagkataon.

(Crissa calling...)

Tinatamad kong sinagot ang tawag ni kulera. Alam naman nila na tinatamad akong sumagot ng tawag 'diba pag ganitong wala ako sa mood makipag-usap, hindi pa ako nakapag-stretch dahil nga kagagaling ko lang sa tulog. Natutulog ako ng ganitong oras pero gabi ay hindi masiyado. So why would they bother to call me?

"Hello, Crissa." Matamlay kong sagot. Kung nasa harapan ko lang yata siya, siguro nasapak na niya ako. It's her fault naman. Tawag-tawag pa siya sa'kin pero wala namang sasabihing matino.

["Hoy babae! Wala ka bang balak na pumasok?!"]

Bumangad niya sa'kin nang sinagot ko ang tawag niya. Medyo nilayo ko muna ang phone ko sa tenga ko baka kasi masira ang eardrums ko. Tiningnan ko muna kung ano na ba ang oras ngayon kung bakit nambubulabog 'tong kulerang 'to.

Tang-ina 2 pm pa lang nambubulabog na agad 'tong lukaret na 'to. Excited yata ang lukaret sa mga lalaki.

Actually, alam ko na ganun siya. As usual kada bagong pasukan, ganyan n'yan, kaya hindi na 'ko magugulat. Para sa'kin, hindi nakakatulong ang mga lalaki. Panira lang sila sa buhay ko. Katulad sa nangyari sa kilala kong tao. Ayaw ko munang i-share 'yon. Basta 'yon, ayaw ko sa mga lalaki. Maraming nasisira dahil sa sobrang pagmamahal at ayon 'yan sa paniniwala ko.

"Ano'ng walang balak pumasok? Hoy, FYI kulera, never pa akong umabsent since pre-school except lang sa nagkasakit ako at saka 2pm pa."

["Oo na always perfect attendance ka na. Anyway, papasok ka ba o hindi? At mabuti na 'yong maaga tayo para alam na."]

"Bahala ka. Basta papasok ako."

Pinatay ko ang tawag baka mangungulit na naman. Bumaba na 'ko sa kama at nag-stretch ng kunti.

I used to be like this or I was born to be like this.

Pumasok na ako sa banyo at ginagawa ko na ang paglilinis katawan rituals ko. Habang naliligo ako ay napapa-isip ako na magkuwento muna tungkol sa buhay ko kahit konti.

Sa aming pamilya, ako ang bunso. May kapatid ako'ng babae pero hindi ko alam kung na saan na siya, wala na nga akong balita sa kaniya. Ilang years na naming siyang hinahanap pero no signs pa rin. Busy naman ang magulang ko sa company nila at palagi naman. Even on my birthday ay wala sila. I don't like my birthday too. Celebrating my birthday is like hell.

Alam niyo ba kung bakit ako na lang mag-isa sa bahay? Kasi ayaw nila akong makita. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit nawawala si ate hanggang ngayon. Napapa-isip ako kung bakit ako raw ang dahilan ng pagkawala ni ate. Bakit? Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko maalala.

Umiling-iling ako dahil ayokong bumalik ulit sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon. Natapos na ako sa pagligo.

Nagbihis na ako ng school uniform. Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at tsaka naisipan ko nang bumaba. Nasa hagdan palang ako ay naaamoy ko na ang paboritong kong ulam at iyon ay ang pakbet. Lalo na ang sitaw. Kaya dali-dali akong bumaba para makakaain na since hanggang second floor ang bahay namin.

DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon