KABANATA 5

3.5K 234 53
                                    

(Hayden Zyrienne's POV)

Kanina lang natapos ang laro namin na 'Truth or dare', habang nakasandal ako sa ding-ding hindi ko maiwasang isipin na sino naman kaya ang mamatay sa amin?

Sana hindi kami maubos dito. Paano kung ako na ang mamatay ano namang klaseng pagpatay ang gagawin sa'kin?

Kung anu-ano na lang mga naiisip ko ngayon. Pero kung sakali na oras ko na talaga? Paano na si Yaya Mariel?

Naalala ko na naman 'yong araw na iniisip ko kung mag-suicide pero hindi ko naituloy kasi nakita ako ni Yaya Mariel, sinabi niya sa'kin na hindi 'yon ang tamang paraan para matapos ang paghihirap.

'As long as the sun is shining, there is always hope,'

Ito ang lagi kong iniisip kaya hanggang ngayon patuloy pa rin akong lumalaban. Napabuntong-hininga naman ako dahil naalala ko ang katagang laging sinasabi sa'kin ni Yaya Mariel.

Tama, lalaban ako hanggat may pag-asa. Hinahawakan ko ang suot kong kwintas at nangangakong gagawin ko ang lahat makalabas lang rito ng buhay. This necklace is so important to me.

Nagulat kami nang tumunog na ang school bell bilang tanda na 6 pm na.

"Guys, magiging matatag tayo. Wala na dapat silang mahuli sa'tin," sabi ni Galvin yata since hindi ko memorize ang mga pangalan nila.

Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. Dahil sino ba namang gusto ang makaranas ng paghihirap nila kay Kurt?

Alam kong lahat sila ay natatakot. Pero, hindi naman ako natatakot sa mga nangyayari, I'm not afraid to die. Ayoko lang makakita ng taong namamatay sa harapan ko. May naalala lang ako na pilit kong kinakalimutan.

"Isa,"

Nagsi-unahan kami sa paglabas. Saan ako magtatago?

"Dalawa,"

Sabay kaming nagtago ni Crissa. Siya kasi ang nahila ko at akala ko pa naman ay si Kathleen. Hindi ko nga alam kung saan sila nagtatago. Sana hindi sila mahanap.

"Tatlo,"

Nagtago kami sa gym.

"Apat,"

Sa ilalim banda.

"Lima."

Nakapwesto na kami sa dapat naming pagtataguan at tinakpan ang mga bibig.

"Anim,"

Ang bilis naman niyang magsalita. Mabuti naman at mabilis kaming makatago.

"Pito,"

"Walo,"

"Siyam,"

"Sampu,"

"Time's up!"

Naging masyadong tahimik ang paligid na kahit isang patak ng tubig ay parang kaya munang marinig dahil sa sobrang tahinik. Sumilip kami sa isang napakaliit na butas. Nakita namin ang isang nakatayong lalaki sa unahan namin.

Bakit kaya ang bilis niyang nakarating rito?

Sa tingin ko, napakarami nila. Pero kailangan naming maging mahinahon baka makita pa kami. Inilayo namin ang sarili namin sa butas ng napansin naming papalapit siya sa'min.

Tinakpan namin ang mga bibig namin para hindi niya marinig ang paghinga namin. Masyadong madilim dito sa pinagtataguan namin. Pero kagaya nang sa movie sumulip dito ang lalaki.

DEATH UNIVERSITY [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon