YONG'S POV
"Pumasok ang susunod na magpapahula."
Napasubsob ako sa upuan sa harapan ng bolang kristal dahil itinulak ako ng bantay sa pintuan.
"Dahan dahan lang bai." Bawal ko sa nagtulak sa'kin.
"Ano ang pangalan?" Seryosong tanung ng manghuhula.
"Yong po." Sagot ko.
Inilatag niya ang mga baraha sa harapan ko.
Hindi ko alam kung ako lang ba o parang sobrang nakakatakot dito sa loob ng kubol.
Kung ano anong nakasabit sa kisame.
"Itaas mo ang kanang kamay." Utos niya.
"Kanan bai?" Paninigurado ko.
Nanginginig kong itinaas ang kamay ko.
"Ulitin mo ang sasabihin ko." Utos niya ulit.
Hindi ko alam bai na may audience participation dito.
"Nangangako ako."
"Nangangako ako." Ulit ko. Naginginig pa din ako.
"Na ipagkakatiwala ko ang aking kaluluwa."
"Ho?" Gulat kong tanung.
Tinitigan ako nang masama ng manghuhula.
"Hindi ako magsasangla ng kaluluwa bai. Magpapahula lang ako." Paglilinaw ko.
Kinikilabutan na ko.
"Ah ganun ba? O sige pumutol ka ng isang buhok mo at iabot mo sakin." Panibago niyang utos.
"Magpapahula ho. Hindi magpapakulam bai." Ulit ko.
"Marunong ka pa sa'kin. Magpalit tayo ng upuan. Ikaw ang manghula dito." Medyo asar na sabi ng manghuhula.
"Sige bai. Palit tayo." Pagpayag ko.
"Loko loko! Magpapahula ka ba talaga o ano?" Tanung niya sa akin sa mataas na boses.
"Magpapahula bai." Nakayuko kong sabi.
"Mamili ka ng dalawang baraha." Turo niya sa nasa harapan ko.
Unti unti akong humugot sa magkabilang dulo ng lamesa.
"Isang lalaki!" Hinampas niya ng malakas ang lamesa.
Halos malaglag ako sa upuan sa gulat.
"Isang lalaki na hindi purong lahi ang manggugulo sa buhay mo!" Pagdidiin niya.
Lalaki?
"Wala akong maisip bai." Sabi ko.
"Pssssshhhhh! Tumahimik!" Bawal niya sa akin.
Parang papatayin niya ko sa kaba.
"Patuloy ka niyang guguluhin hanggang di mo sinusunod ang gusto niya." Dagdag niya.
Parang kilala ko na. Hala ka bai.
"Isang babae!" Hinampas niya ulit ang lameSa nang malakas.
Parang masisira ang lamesa kahit anung oras.
"Isang babaeng tinuturing mong ate ang manggugulo din ng buhay mo!" Sabay titig niya sa akin.
"Manggugulo din bai?" Pagkukumpirma ko.
"Parehas silang maaring maging dahilan ng pagkawala mo sa sarili. Bwahahaha!" Sabay tawa niya ng malakas.
Parang kilala ko na sila.
"Eto ho bayad!" Mabilis kong ibinaba sa lamesa niya ang pera.
Tumakbo ako agad palabas.
Paktay na! Parang tama ang manghuhula.
Kriiiiinggggggg
'Edward calling'
"Paktay. Ang lalaking hindi puro ang lahi bai."
Hindi ko to kayang sagutin. Masisiraan na talaga ako pag sinunod ko pa siya.
Buti na lang at huminto din siya agad sa pagtawag.
Krrrinnnngggg
'Ate Maymay calling'
"Ang babae? Na tinuturing kong ate? Wahhhhh. Ate May."
Hindi. Hindi ko pwedeng sagutin bai. Mababaliw na ko pag nakinig ako sa kanila.
Parang mamamatay ako sa stress sa dalawang ito.
Kailangan kong mag isip ng paraan bago pa ako magvolunteer pumunta sa mental.
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Partners in Love [MAYWARD Fanfic]
FanfictionBook 2 of Partners in Crime 😂 Another Level? Or Another Label?