MAYMAY'S POV
"Kalma lang kasi kayo mga bai. Upo muna kayo, pakinggan niyo sasabihin ko. Iinit agad ng mga ulo eh." Hirit ni Yong.
"Hindi ka naman nalipasan di ba?" Tanong ko.
"Gutom lang ako. Pero matino pa pag-iisip ko bai."
"So you think you're normal now? Horror house for Valentine's Day?" Singit ni Edward.
"Alam mo bai. Minsan ang nega mo din. Buti mahal ka nitong si Ate May." Sabay turo niya sa akin.
Anong kinalaman ko?
"So ano na? Dali na. Explain mo na." Pangungulit ko.
"Teka lang. G na G naman tong si bai. Kailangan ko ng sulatan." Humugot siya ng gamit sa bag niya.
"Be sure to write it on a clean piece of paper because I'll use that as a draft later." Sabi ni Edward.
Umayos ng upo si Yong at pumwesto na parang maglalatag ng plataporma. Haha
"Anong meron sa horror house mga bai?" Tanung niya.
"Siyempre multo." Sagot ko.
"Coffins, spider webs, creepy noises." Dagdag ni Edward.
"Tama. At lahat yun nakakatakot di ba? Parang pag-ibig." May pahawak pa sa puso niya si Yong.
"Not for all, I think so." Kontra ni Edward.
"Ako muna kasi. Ayaw niyo padaanin mga hugot ko bai." Pagtatampo ni Yong.
"Oh go na. Ramdam na ramdam mo kasi eh. Haha." Tinawanan ko pa siya.
"Kapag natatakot ka. Sinong gusto niyong kasama?" Tanung sa'min ni Yong.
Nagkatinginan kami ni Edward.
Pag masaya ako, pag malungkot ako, pag natatakot ako, kahit anong nararamdaman ko, si Edward ang kasama ko.
Nakatingin siya sa akin.
Parang may gusto siyang sabihin.
Parang may gusto siyang iparating sa pamamagitan ng nga mata niya.
"Ehem. Ehem. Daig ko pa multo bai. Pansinin niyo naman ako." Sabay tapik niya sa amin.
Ay oo nga pala. Keshe nemen eh.
"Continue..." Sabi ni Edward.
"Asan na ba ko? Mabalik tayo sa sinasabi ko. Di ba pag takot ka gusto mong kasama ang mahal mo kasi feeling mo secured ka kahit anung suungin niyo?" Paliwanag ni Yong.
Tumango tango kami.
May point naman si Yong.
"You got some real concepts there." Puri ni Edward.
"Sabi ko sa inyo. Makinig lang kayo bai."
"Here's your order po."
Sa wakas kainan na. Wuhooo.
"Luh. Edward nakalimutan ka na ni Ate May nung dumating yung pagkain." Sabay tawanan nilang dalawa.
Gutom na din kasi ako. Haha.
Bahala na kayo magconceptualize diyan.
"Maymay. What do you think of me?" Tanung ni Edward.
BINABASA MO ANG
Partners in Love [MAYWARD Fanfic]
FanfictionBook 2 of Partners in Crime 😂 Another Level? Or Another Label?