Chapter 3

706 34 17
                                    

MAYMAY'S POV

Hindi kami makapagsalita ni Edward sa sobrang gulat.


Nilapitan ko si Yong at bigla ko siyang niyakap.


"Tanggap kita. Tanggap kita." Mangiyak ngiyak kong sabi habang tinatapik ko ang likuran niya.


Lumapit na rin si Edward.


"You should have told us. Maiintindihan namin." Sabay tapik niya sa balikat ni Yong.


"Ate May wag kang umiyak." Sabi ni Yong.


"Dapat kasi sinasabi mo samin. Magkakaibigan tayo eh."


"Baka kasi hindi niyo ako maintindihan bai." Katwiran niya.


"We are here as a friend, not someone who'll judge your preference. We're here to support you." Paliwanag ni Edward.


Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Yong at pinunasan ko ang luha ko.


"Here. Use my hanky." Alok ni Edward sa panyo niya.


"Salamat." Tugon ko.


Si Yong naman ay tahimik lang at nakayuko sa amin.


"Kailan mo simulang naramdaman?" Tanung ko kay Yong.


"Ha? Naramdaman?" Gulat na tanung ni Yong.


"Oo. Na alam mo na. Kailan mo naramdaman na pusong babae ka?" Pag-eelaborate ko.


"Ha? Ako? Pusong babae?" Sunod sunod na tanung ni Yong.


Nagkatinginan kami ni Edward. Naguguluhan na kami. Ano ba talaga ang totoo?


"Halaaaaaa. Hindi ako bakla ah." Malakas na sabi ni Yong nang marealize niya ang nangyayari.


Me is so confused.


Partners in Love [MAYWARD Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon