Chapter 5

650 54 22
                                    

MAYMAY'S POV

Birth certificate. Check.

Valid ID. Check.

Pleasing personality. Check na ba ko dun? Bahala na nga.

Ihinanda ko ang mga binilin ni Kuya Nikko para sa part time job na inaalok niya sa'kin.

Kaya ko to!

Maymay kaya mo to!

"Ate Mayyyyyy!"

"Ay bushak!" Gulat kong sabi nang makita ko si Yong sa labas ng tirahan ko.

"Gulat na gulat naman bai. Tara na di ba magmi-meeting pa tayo?" Aya sakin ni Yong.


Eto na nga bang sinasabi ko.

Bakit ba naman kasi nagkasabay pa?

"Di ako pwede eh. May importante akong pupuntahan. Byeeeeee!" Mabilisan kong paalam.

"Saan? Ate May oyyyyy!" Habol ni Yong.

Hindi na ko lumingon, baka pigilan pa ko lalo.

Huwag naman sana akong abutan ng traffic oh.

After 30 minutes nakarating din ako sa condo.

Mabilis kong hinanap ang information desk.

"Good afternoon po ma'am." Sabi ko sa isang magandang babae na nandoon.

"Good day ma'am. How can I help you?"

"Hinahanap ko po sana si Ms. Elisse Joson po."

"Uyyy. Ikaw ba yung pinapunta ni Nikko? Ako yun. Wait lang ah."

Tinawag niya yung kasamahan niya para palitan muna siya sa post niya.

"Halika. Dun tayo maupo." Aya niya sabay ngiti.

Sumunod naman ako sa kaniya.

"Maymay diba? Yun kasi ang sabi sakin ni Nikko eh."

"Opo. Maymay po ma'am."

"Dinala mo ba yung documents? Patingin nga ako."

Inabot ko naman sa kaniya lahat ng dala ko.

"Nabanggit ko na sa owner na may irerefer ako na housekeeper. Kaya kaninang umaga bago siya umalis iniwan na niya sa'kin yung susi ng unit." Paliwanag niya.

"Naku maraming salamat po ma'am." Masaya kong sabi.

"Yung paycheck mo sakin din niya iiwan kaya every week ko sa'yo iaabot. Basta ah. Galingan mo lang sa paglilinis. Para mas matagal kang makapagtrabaho sa kaniya." Bilin niya.

"Oo naman po ma'am. Kailangan ko po talaga 'tong trabaho na 'to."

"Oh eto na yung susi. Pwede ka na mag start. Basta pag may kailangan ka puntahan mo lang ako dito sa baba. Tsaka ate na lang itawag mo sa'kin." Nginitian niya ako.

Partners in Love [MAYWARD Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon