I had a long chat with a friend today. A long but it seems too short. Aalis na kasi sya. When I was young, I hate saying "goodbye". People will come and then go? Wth!
Pero ngayon, naiintindihan ko na. I mean kahit papaano, kahit masakit at nakakalito, kinakaya. Kung di ka friendly na katulad ko, maiintindihan mo ako. I can reject friends easily, kapag ayaw ko sayo ayaw ko talaga sayo. Kaya nga kapag tinawag kitang kaibigan, you're the luckiest person above all living things! (LOL)
I hate people who try to fit in. I mean, why do you have to do that? are you losing your mind? Don't be-friends with those kind of people. Hay, naku! Sinasabi ko na sa'yo! Yung mga tipong kapag wala ka nun at wala ka nyan, di kita kakaibigan? Kapag di mo gagawin 'to, hindi ka pwede sa grupo? Para saan ang mga pointless trip na yan?
Just burn those people.
Bitter lang? Di naman medyo lang. I mean, wala naman kasing saysay eh. Magpapagod ka lang. Yung tipong kelangan mo laging mag effort? Paano na lang kapag wala na ang mga pinanghahawakan mo sa grupo? So, wala na din ang friendship? Ganun ganun na lang ba yun?
Friends are born not made. Tandaan mo yan! You don't have to change something about yourself for you to have friends, kelangan mo lang tandaan na, kahit mausok, madumi at mabaho ang ilog Pasig, ay este.. ang mundo, hindi mo kelangan magpabango para hindi mabahuan. Dahil kahit ano man ang iyong amoy, hindi na mapapansin kasi nga tanggap ka bilang-- IKAW.
Kung hindi ka masaya sa mga kasama mo, aba! mag-isip ka na. Kung natatakot kang umutot sa harapan nila, aba! mag-isip ka na. Kung hindi mo maipakita ang masama mong ugali, aba! mag-isip ka na. Kung hindi ang tunay na ikaw ang ang minamahal nila, aba! mag-isip ka na.
Isip isip din pag may time. Ponder your thoughts. Walang masama kung paminsan minsan eh, kelangan mo lang din hanapin ang sarili mong kaligayahan. As in, wala. Wala ngang artikulo o batas na nakasaad sa republika ng Pilipinas, so libre talaga.
Ano nga ba ang pinupunto ko, simple lang. You have to create your friends batay sayo at sa personality mo. Tandaan mo na hindi lahat eh, kelangan pare-pareho. Minsan pa nga magtataka ka na lang na kaibigan mo na pala ang mga tambay (ikaw na bahala mag-isip kung sino sino sila) dyan sa may kanto. That's the power of friendship. Yung tipong tinginan lang, nagkakaintindihan na. Yung tatawa lang ang isa sa pinaka- nonsense na bagay, tatawa na ang lahat. Na kung wala pa yung isa o na-late man eh, aantayin at aantayin pa din kahit dalawang oras ng naghihintay. Na kahit gaano man ka-moody ang isa eh, iniintindi pa rin. At ang pinaka gusto ko sa lahat eh, yung honest conversation. Walang tablahan, walang taguan at walang plastikan. Kung pangit ka, pangit ka talaga.
Eh, ikaw ba? Ano bang klaseng kaibigan meron ka? Masaya ka naman ba? Kung, oo, aalagaan mo sila. Create more memories with them and spend more time with them. Ingatan mo sila dahil bihira lang ang mga taong totoo kung makipag kaibigan. Eh, kung hindi. Naku! kaibigan, mag isip ka na lang muna. Kung gusto mong hindi makilala lalo ang sarili mo, dyan ka lang. Pahirapan mo ang sarili mo at antayin mo na lang na mapagod ka. Tapos kapag pagod ka na, matrotroma ka tapos ayaw mo na makipag kaibigan. Tapos, badtrip ka.
Hindi man ganun ka perpekto ang buhay ko pero masasabi kong pinagpala ako sa mga taong nakakasalamuha ko. Sayo ba, kaibigan? Marami mang mga bagay na hindi pang-forever, alam ko at tumpak na ang pinagsamahan ay araw araw aalalahanin para maging forever.
Sambitin: Magiging tunay akong kaibigan, kanino man.
![](https://img.wattpad.com/cover/11530219-288-k368100.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG NAGSASALITANG LIBRO
ChickLitKung kaparehas kita ng karanasan sa buhay, kaparehas ng opinyon, kapanig at kaugnay ng mga ideya, ang nagsasalitang libro na ang bahala sayo. Imumulat ka nya sa maari mong paniwalaan at panigan. Kaibigan, maligayang pagbabasa!