I always have a typical day. I mean laging parehas ang daloy ng araw-araw. Walang bago, maliban na lamang sa outfit ko. Halos pare-parehas din ang mga mukha na nakikita ko mula sa pagsakay ng jeep hanggang sa pagsakay ng mrt.
MRT.
Sa tuwing sasakay ako sa dambuhalang tren na ito, hindi ako umuupo. Napakadalang. I mean, di ko naman talaga kailangan umupo. Marami pang may mas kailangan umupo sa akin. I am keen observer, yes, I am. Lahat ng bagay napapansin ko, mula sa pulang pulang lipstick ni ate hanggang sa patay na kuko sa paa ni kuya. Pati nga ang mga expressions ng bawat pasahero ay aking napupuna, ewan ko ba. Parte na nga 'ata sya ng aking sistema. I just remember, gaya ng mangilan-ngilan, isa rin pala akong manunulat.
Normal na daloy, hayun at nakapila na naman ako papasok sa pampublikong sasakyan na ito. Tiyak at tumpak, siksikan at bungguan na naman. Mga babae naman kami ngunit para bagang lumalabas ang pagkamaton ng bawat isa kapag papalabas o papasok na.Hindi naman ako nagmamalinis, ngunit twice ko lang 'ata ginawa ang linyang, "excuse me" sabay kabig at bunggo sa katabi. Bakit yung iba, ginawa ng hobby? Hindi ko pa rin maiintindihan.
Sa sobrang pag-iisip ko ng patungkol sa kabanatang ito, napukaw naman ang aking pansin sa dalawang lolong may edad na nakakapit lamang sa bakal at nakatayo. Naawa naman ako. Mukhang may kapansanan pa yung isa. Nag-aantay ako ng butihing pusong lumingon sa akin ng matitigan ng masama para tumayo at paupuin ang mga lolo. Guess what?
Walang nangyari. Tahimik lang naming binabaybay ang daan. Luluha na sana ako ngunit naalala ko ang aking eyeliner. Mamaya na, ayaw ko din namang umiyak ng live. Kaya binulungan ko na lamang si pareng God, " ganito na ba ka-busy ang mga tao at nakakalimutan na nilang alalahanin ang GMRC [ewan ko kung anong tawag sa subject na'to ngayon] nung nasa elementarya pa lamang sila? God, naman, katukin nyo naman po ang manhid nilang puso ng mapaupo sila lolo."
Bigla ko namang naalala ang lolo ko na yumao na, ni hindi ko kayang makita ng isang segundo na nahihirapan sya. Nung nakasama ko sya sa mga huling araw nya, halos bawat galaw eh, inaalalayan ko. Maka-lolo din naman kasi ako. Kaya ang sakit makita ang mga matatandang uugod ugod na sa kalsada at naghahabag pa para lamang may maisapin sa kumakalam na sikmura. Natatandaan ko pa ng minsang may nakasakayan ako sa jeep, pasko nun. Matanda na sya at kasama ang animo'y apo nya. May bitbit na plastik at alkansya. Biglang may nagbigay ng barya at naghulog, hindi ko naman akalain na namamalimos din pala sya. Nang papalapit na ako sa kanto ng aking babaan, bigla nyang sambit sa nagbigay ng barya, "salamat hijo, pang regalo".
KABOOM! Pagbaba ko, bigla akong napatigil at napaluha. Sa kahirapan ng buhay ngayon nakuha nya pang isipin ang pangregalo. Ikaw ba, kaibigan? Kapag may karampot ka bang kinikita, sumasagi din ba sa isip mo ang mag-ukol ng kaunting sentimo para sa iba? Hindi di ba? Ako din naman kasi, maliban lamang kung kapamilya.
Sabay lingon ko sa aking orasan, 15 minutes na din pala ang nakararaan. Sasabihan ko na talaga ang matabang ate na ito, tinititigan ko na ng masama at sa wakas, holla! Baba na sya. Inalay pa ni lolo ang vacant seats sa mga babaeng nakatayo, gustong gusto ko na sanang sumagot. Ngunit mukhang tumanggi si ate at nakaupo na din sila sa wakas. Lumabas akong nakangiti sa kadahilanang nakaupo na sila sa komportableng upuan.
Minsan, kahit anong success at busy mo sa buhay, dapat isang alang-ala pa rin ang mga bagay bagay na hindi na kailangan pang punahin. Life is a cycle. Di mo alam na baka isang araw, ikaw na ang nasa lugar ng matatandang hindi mo binibigyan ng puna. Pag-isipan mo, kaibigan.
Ngayon, sabay sabay nating sambitin: Gagawin ko ang tama hangga't may oras pa!
BINABASA MO ANG
ANG NAGSASALITANG LIBRO
Chick-LitKung kaparehas kita ng karanasan sa buhay, kaparehas ng opinyon, kapanig at kaugnay ng mga ideya, ang nagsasalitang libro na ang bahala sayo. Imumulat ka nya sa maari mong paniwalaan at panigan. Kaibigan, maligayang pagbabasa!