Nakakarindi, nakakabingi, nakakainis.
Bagama't nakakatanda o may katungkulan, talsik laway pa kung magbitiw ng masasamang salita. Simpatya lang ang kailangan, kaibigan. Hindi naman sapat na gamitin mo lamang ang mga salitang di kaaya-aya sa pandinig para lamang malaman ang iyong tinutumpok.
Hindi ko talaga maiintindihan at kahit kailan di ko kayang intindihin, bakit nga ba sa dinami dami ng mga bokabularyo sa disyunaryo, pinipili pa rin ng nakararami ang mga salitang tumatagos hanggang bumbunan at buto? Ni hindi ba nila naisip ang nararamdaman ng taong nasa usapan? o ang taong tumatanggap ng mga salita? Parang hininga na lang kung bitiwan. I don't judge people, really, I don't. Pero likas na mabilis lang talaga ang neurons ko kaya't I can jump to one analyzation from another. Ngunit sana, maghunus dili muna o kaya nama'y sabihin na lamang mag-isa. Kapag walang tengang nakakarinig, ibulong mo na lamang sa hangin. Mag-taksyapo ka para mas masaya at exciting o di kaya naman ay have someone to listen to you. Yung taga-pakinig lang na hindi mo kailangan iconsider ang comments nya. Yung parang sponge lang. Meron ka ba nun? Kung meron kang kakilala, pahiram din ako minsan.
Exhausting kayang makinig sa mga salitang nanggaling sa mga matatalim na dila, paano na lamang kung ikaw pa ang nagsasalita?
Words are really powerful, it can break or make you. Kahit gasgas na ang cliche na yan, I love saying and repeating it kasi yan naman ang totoo. Kaya ikaw kaibigan, ingatan ang bawat salitang minumutawi ng bibig dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay tumutugma ang isip sa salita.
So, say it like this: I will use good words to describe bad things in the world.
BINABASA MO ANG
ANG NAGSASALITANG LIBRO
ChickLitKung kaparehas kita ng karanasan sa buhay, kaparehas ng opinyon, kapanig at kaugnay ng mga ideya, ang nagsasalitang libro na ang bahala sayo. Imumulat ka nya sa maari mong paniwalaan at panigan. Kaibigan, maligayang pagbabasa!