Chapter 3: Transformation

2.4K 158 39
                                    

Luna's POV

Blurry, Medyo nawawalan na ako ng malay. Yes, I feel so supernaturally perfect but my head is spinning like hell!

I can hear someone's voice... Not just someone, mine?

The voice keeps on chanting some different language.

"Luna!" may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko, either si Kaiser, Klauss o si Kurt?

Di ako nahihilo dahil sa pagkalamon ng lupa saken, kung di sa mga sinasabi ng utak ko... The next thing I know is lumilindol and I loss consciousness.

3rd Person's POV

tahimik ang lahat habang tinitignan ang lupa kung saan si Luna ay nilamon, biglang sumigaw ang tatlong Sons of death at tinatawag ang pangalan ni Luna.

Pero isa sa mga kapatakaran ng eskwelahan ay BAWAL PAKIALAMAN ANG ISANG LABAN. Na pinapaalala ng Prof nila sa kanila.

Nainis naman si Kaiser sa Prof nila dahil ayaw niyang tulungan si Luna, si Kurt naman ay sigaw ng sigaw sa pangalan ni Luna at si Klauss ay tahimik lang at nag iisip kung anong gagawin, ng biglang lumindol.

Nagkacrack na ang lupa at bumubuka na ito. Di naman nagpapanic ang mga estudyante kasi normal na ito.

Nagulat ang lahat ng makita nila si Luna na nakatayo lang sa gilid, may malay ito pero ang mga mata niya ay wala.

"Luna! Luna! Luna!" pagsisigaw ni Kurt habang patalon talong pang papunta kay Luna pero pinigilan siya ng dalawa.

"Bawal" -Klauss

"Hindi dapat pakialaman ang laban." dugtong nito, napakunot naman ang noo ni Kurt.

Huminto bigla ang lindol kaya napahinga na ng maluwag ang iba. Sa gitna ng katahimikam eh naguguluhan ang kalaban ni Luna dahil nakatanga lang siya roon sa gilid at kung paano ito nakatakas sa ilalim ng lupa. Wala rin namang nakapansin o nakakita sa kanya na lumabas siya sa lupa.

Biglang may lumabas na mga vines sa mga frack ng lupa, para itong rose vines dahil sa nga maliliit na tinik nito, parami ng parami ito at papunta aa direksyon ni Luna. Nagtataka naman ang mga manunuod kung mula sa magkakapatid na kalaban ba ni Luna ang gumagawa nun, pero mismo rin sila eh nagtataka sa mga sumusulpot na vines.

Makalipas ang ilang segundo eh gumagapang na ang mga vines sa katawan ni Luna, at eksaktong nagdikit ang vines at ang balat ni Luna ay biglang namulaklak ito, isang black rose ang nagsilabasan hanggang sa lamunin ng vines si Luna.

Nagpipigil na ang tatlong lalake na puntahan si Luna dahil nga nag aalala sila sa dalaga.

Merong dugong dumaloy sa mga vines, dugo ito ni Luna na dahilan sa pagkatusok ng mga tinik ng vines.

Tanging ulo nalang ng Dalaga ang di pa nagagapangan ng vines ng biglang lumutang ang dugo ni Luna at parang nag iipon sa ere. Unti unti itong naging Blood Scythe na ikinagulat ng lahat pati narin sina Klauss, Kaiser at Kurt.

Ginalawa ni Luna ang kamay at hinawakan ang Scythe na gawa ng dugo niya, ngumiti siya ng bahagya at kinilabutan ang lahat dito dahil nga wala siyang ka emo emosyong tao sa umpisa.

Gumalaw ang bibig niya na para bang may sinasabi pero siya lamang ang nakakarinig. Ang itim na buhok niya ay humaba ng dahan dahan at nag iba ang kulay nito. Hanggang lupa na ang buhok ni Luna at kulay buwan na ito.

Umiba rin ang kulay ng mata niya, mula sa kukay kahoy ay naging itim na may halong pula at parang naging pusa ang mata.

Mas kinilabutan ang lahat sa pagbago ng anyo ng dalaga at sa di alam na dahilan eh pati ang tatlong lalake ay nangamba ng tinignan nila ang mata ni Luna.

♕She's a Necromancer♕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon