Chapter Ten

19 1 0
                                    

Chapter Ten

Jake's Pov

Maaga akong nagising ng sumapit ang Sabado. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung sinabi sa akin ni Nica.

'Then prove it Jake. Prove to me that you're not worthless'

Ginulo ko yung buhok saka pinilig ang ulo. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ang laki ng epekto sa akin ng lahat ng binibitawang salita ni Nica? Parang lagi na lang nayayanig ang pagkatao ko. Nung sinabi niya yun sa akin, nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko kahit hindi naman dapat. Para bang sinasabi niyang wala akong kwentang tao? Shit lang. All my life ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong humiliation. And I wouldn't afford that. Hindi ko yun matatanggap. Papatunayan ko sa kanyang hindi ako worthless.

Lumabas ako ng kwarto ko at nagdiretso sa kusina. Tinawag ko na din si Manang, yung kasambahay namin para matulungan ako sa pagluluto.

Nakaramdam ako ng excitement at kaba sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong lumulutang. Ito ang unang pagkakataon since 'two years ago na gagawa ako ng bagay para patunayan ang sarili ko. Yung bagay na ibang tao ang nagsabi sa aking gawin. Kung tutuusin dapat naiinis ako ngayon pero hindi. Imbes na mainis ako para pa akong natutuwa sa nangyayari. Nababaliw na ata ako.

"Hyung!" [Kuya] Isang tinig ang nakatawag pansin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko saka marahang lumingon.

"K-Kc?" Nalaglag ang panga ko. Kc is my youngest cousin. Dito rin siya sa amin nakatira pero kinukuha siya minsan ng Lola niya na nakatira di kalayuan. Kc is half Korean, Koreano kasi ang Dad niya. At buong akala ko ay hindi pa siya nakakauwi ngayon dito. I thought, magbabakasyon siya dun.

"Wae Hyung?" [Bakit] Tanong niya sa akin saka naupo. Tinitigan ko lang siya ng nagtataka.

"Akala ko nandun ka sa lola mo?" Napakunot ako ng noo saka binalingan si Manang na umalis na muna. Matatapos na rin naman yung mga niluto namin. Good for brunch na ito halos.

"Hyung, kahapon pa ako nakauwi." Humikab siya saka nagpangalumbaba sa lamesa. Natigilan ako. What? Kahapon pa? San ba ako nanggaling kahapon at hindi ko alam? Shit. Ganon na ba talaga ka occupied ang utak ko kay Nica kaya pati pamilya ko napapabayaan ko na din?

Lalo akong natigilan with my sudden thoughts. I felt a cold run through my veins. What is this.. a dejavu?

Pinilig ko ang ulo ko at tinitigan si Kc.

"Mabuti pa gisingin mo na lang ang dalawang ate mo." Sabi ko. Nagsimula na din ako maghain ng pagkain sa lamesa.

"What's the prize hyung?" Balik tanong niya. Namilog ang mata ko saka nagbalik ng tingin sa kanya.

"What prize?" Ano bang sinasabi ng batang to? Ngumisi lang siya saka tumayo mula sa upuan.

"You have to give me a prize bago ko sila gisingin hyung. You know how hard it can be bago sila magishing!!" Naeexcite na sambit niya. Napailing na lang ako habang natatawa. Kinuha ko ang spare keys bago siya muling tinitigan at tinanguan.

"Fine Kc, I will give everything you want when you accomplish your task." Binato ko sa kanya yung spare keys. Nag victory jump muna siya bago umalis. Napangiti na lang ako.

Nagbalik ako ng tingin sa mga nakahaing pagkain. Pakiramdam ko may bigla na namang nabuhay na parte sa akin. Sa isiping titikman ni Nica yung mga niluto ko. Magustuhan kaya niya ang mga to? Napangisi na lang ako habang naiimagine yung mukha niya. Yung maamo niyang mukha. Yung mapupungay niyang mata at napakacold kung tumingin minsan. Pati yung mapula niyang labi.

Natawa ako. Ano bang iniisip ko? Tumalikod ako at nagpatuloy sa ginagawa. Ilang sandali pa ng makarinig ako ng mabibigat na yapak na papalapit sa kusina. Marahan akong lumingon pero bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang nakaririnding sigaw ng kapatid ko.

Footprints In The Sand [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon