Chapter 1

13 1 0
                                    



Malalim na ang gabi pero ito pa rin ako hanggang ngayo'y di makatulog. May pasok ako bukas at pinipilit ko talagang makatulog pero hindi ko magawa. Tinignan ko ang orasan, 2:30am. Talaga bang ganon na ka-late? Tinignan ko na lang ang bintana sa tabi ng kama ko. Maliwanag ang buwan. Tahimik na panigurado sa labas. May konting ilaw ang pumapasok sa kwarto ko gawa ng buwan. Tinignan ko ang larawan na naliliwanagan nito.


Tss, poster pala. Nakita ko na naman yung gwapo nyang mukha. Yung mga mata nya. Yung kabuuan nya na hindi ko ma-keri. Jusko naman kasi, totoo pa ba syang tao? O sadyang hulog talaga lang sya ng langit pero hindi nagalusan? Tumalikod ako sa kabilang side at tsaka ko nakita ang isang payong na nakalagay sa isang glass container. Five years..


I'm Haecy Rivera. 19 years old. Kasalukuyan akong nag-aaral ng kolehiyo at patapos na rin naman. Kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga. At oo, isa akong fan girl. Simula pre-debut pa lang nila ay nandito ako para suportahan sila. Pero oo na, may bias naman din ako tulad nyo. At kilala nyo naman na siguro kung sino yon.


Pinilit ko ang sarili ko na matulog dahil ayokong magmukhang zombie ang itsura ko pagkapasok ko bukas kahit na tatlong oras lang ang naitulog ko.



-Kinabukasan-


Nagising ako sa isang malakas at sunod-sunod na kalampag sa pintuan ko. Tss, ang aga-aga ang ingay nya talaga. Tuwing umaga ganyan sya.


"Ate! Gising na, mahuhuli ka sa klase mo!" Sabi nya habang binubuksan ang pinto ko gamit ang isang spare key.


"Manahimik ka nga dyan. Mag-aayos na ako." Tumayo ako at inayos ang buhok ko.


Si Haily mas nakababata kong kapatid at 10 years old. Malaki ang age gap naming dalawa kaya medyo hindi kami close sa isa't isa. Pero okay naman. Nag-ayos na ako at bumaba na para salubungin sila mama at papa na nakahanda ng umalis para pumunta sa trabaho.


"Ma, pa, ingat po kayo." Paalam ko sa kanila sabay halik sa pisngi.


"Gusto mo ba sumabay samin ng Mama mo at kapatid mo?" Tanong ni papa sakin ngunit umiling ako.


"No need, pa. Nandyan naman si Mang Gilbert." Ngumiti sila at kumaway na paalis.


Sa totoo lang ay ayaw ko talaga sa kanilang sumabay. Ayoko sa maingay at magugulong ganapan. Ewan ko pero tumataas talaga ang dugo ko tuwing nakakarinig ako ng mga tilian at hiyawan. Hindi ako sanay at laging nawawala ang focus ko.


Hinatid na nga ako ni Mang Gilbert sa university ko at pagbaba ko pa lang ng kotse ay ang nakabusangot na bruhilda na ito ang sumalubong sakin.


"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya na medyo sarcastic.


"I didn't sleep well. Dahil sa hayop na Marcus na yon. Damn it."


Meet Treschia. She would literally say everything in front of you even if it's nasty. She swears like crispy pata, malutong pa sa malutong. Pure maldita at walang half ng kung ano. Well, mabait naman sya--- alam nyo, hahatakin ko na lang pabalik yung sinabi ko dahil hindi naman talaga sya mabait. Medyo similar din naman ang attitude namin pero mas mabait ako ng konti. 

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon