Chapter 2

10 1 0
                                    


Haecy's POV


Kahit na may fansign sila mamaya ay kailangan pa rin naming pumasok. Uwian kasi namin yung time nung fansign nila kaya okay lang naman na pumasok. Nandito na ako sa klase namin at hinihintay ko na dumating si Treschia pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Luminga-linga ako at nakita ko si Ginger na nangangasim na naman ang mukhang nakatingin sakin.


Tss, let me just explain what is she wearing. Suot nya ang isang cap na ang nakasulat ay "oppa" at may finger heart doon. Naka black eyeliner sya at medyo makapal yon. Nakasuot ng loose tshirt na may "bts" na nakalagay. Naka-leather pants sya at may black high cut shoes. Napa-roll eyes naman ako nung nag-smirk sya sa akin. Tss, pabibo mukha namang taga-kanto. Isa sya sa mga fan ng bts at ayoko sa kanya dahil sobra sya kung makapag-fan girl.

 

"Alam ko yang tingin mo ah. May dagger ako dito, gusto mo?" Biglang sulpot ni Treschia sa tabi ko habang pabulong na sinabi iyon.


"Nakakairita talaga pagmumukha nung babae na yon." Sabi ko habang nakakunot ang noo.


"Paanong hindi magiging ampalaya yung mukhang nyan, magkaparehas kasi kayo ng bias." Sabi nya habang may ngiting aso sa mukha.


"Pupunta rin yata sya sa fansign mamaya. Para namang mapapansin sya doon." Napalingon ako kay Treschia na tumatawa ng mahina.


"Pupunta sya?!?" Napatanong yata ako ng malakas kaya napatingin sakin ang buong klase.


Pero teka, bakit sya pupunta? Ayokong maging bad day ang araw na to dahil sa pupunta sya! Paano kung landiin nya si Jungkook doon habang nakikipag-usap. Ay nako! Hindi ko sya hahayaan, aba.


Malapit na rin naman kami makauwi. Didiretso kami ni Treschia sa bahay para mag-ayos. Pupunta na lang kami sa venue kapag maayos na ang aura namin. Kabado pa rin ako ngayon dahil after five years ay makikita ko na ulit sya sa personal. At hindi ko talaga alam ang dapat kong maramdaman. Masaya ako pero may feeling din na sobrang kinakabahan ako.


Nagising ang diwa ko ng marining ko ang pag-ring ng bell at sign na pwede na kami umuwi. Nagpaalam sandali sakin si Treschia na pupunta sya sa locker nya para kunin ang camera nyang mamahalin para daw makapag-take sya ng picture. Inayos ko na ang mga gamit ko at pahakbang na para makaalis ng room nang biglang humarang sa daanan si Ginger. Tss, amoy luya.


"Anong kailangan mo?" Masangil kong tanong.


"Are you going to the fansign? Oh, I forgot. Wala ka nga palang pambili ng ticket to enter the venue. Haha." Sarcastic nyang tawa.


"Mas mukha ngang ikaw ang may kailangan ng pera eh." Nakangiti kong sabi sa kanya at bigla naman syang natigilan.


"I would gain a lot of attention, Haecy. Jungkook will notice me. All of them will notice me. I'm gonna be famous while you.. you're all the way down." She looked at me like she's gonna swallow my soul.

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon