Chapter 5

9 1 0
                                    


Haecy's POV

Nakaalis na si Dongmin at oras na para ako naman ang mag-ayos. Pumunta ako sa kwarto ko at nag-tingin ng maisusuot. Nang nakapili ako, agad ko naman itong sinuot.

"Okay na to." Sabi ko.

Hinanda ko na ang mga dadalhin ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinanda ko na ang mga dadalhin ko. Nilagay ko sa bag ko ang army bomb ko at lumabas na rin para masundo ko na si Treschia. Dahil ayoko namang maka-istorbo kay Mang Gilbert, hiniram ko na lang yung isang sasakyan nila mommy. Kinuha ko ang susi nito at kaagad na umalis.

Pagkadating ko sa bahay nila Treschia nakita ko na agad sya na naghihintay sa labas. Agad naman syang pumasok sa harapan kasama ako.

"Tinakas mo na naman to?" Tanong nya sakin.

"Gaga. Nagpa-alam ako." Sabi ko sa kanya at umirap.

"Nga pala, saan ka kumukha ng ticket?! At VIP pa talaga ah? Baka peke yan." Tumingin sya sakin.

"First of all, hindi ito fake. May nagbigay sakin, bakit ba." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Sino nagbigay sayo?" Tanong nya na medyo nagtataka.

"Secret ko na yon." Hindi ko sya pinansin at tinuon ang atensyon ko sa daan.

High school pa lang ay magkaibigan na kami ni Treschia, pero hindi ko nababanggit sa kanya na may kababata ako na ngayon ay isang member ng Astro. Sa pagkakaalam ko ay hindi nya kilala yung grupo na yon kaya ayos lang.

Kalahating oras ang nakalipas at nakarating na kami sa venue. Malaki ang napili nilang venue dahil alam nila na maraming mga fans ang darating dahil halos lahat ng mga sikat na grupo ay magpeperform ngayong gabi. Mula sa loob ng kotse ay rinig namin ang mga fans na nagsisipasukan na sa loob.

"Ito na yata ang pinakamalaking event na napuntahan ko. Oh my god." Sabi nya pagkalabas pa lang namin ng kotse.

Napangiti naman ako sa inasta nya. Hay, pasalamat ka kay Dongmin, may VIP pass tayo. Pumasok na kami sa loob at mas narinig namin ang ingay. Kita namin ang mga nagniningning na mga lightstick mula sa iba't ibang fandom.

"Shit ang daming Army sa VIP section." Excited na sabi ni Treschia habang naglalakad kami.

Hindi naman lahat ay Army pero kalahati noon ay ang fandom namin. Nakadating na kami sa spot namin at kung sinuswerte ka nga naman. Nasa gitna ang pwesto namin at malapit pa sa stage. Bigla tuloy akong ninerbyos dahil sobrang lapit lang ng stage. Nanatili kami sa pwesto namin hanggang sa nagsimula na rin.

"Yung opening nila, shit." Pasigaw na sabi sakin ni Treschia dahil sobrang ingay.

Isa-isang tinawag ang mga grupo. Lumabas ang Astro habang nakangiti at kumakaway sa mga fans. Napatingin ako kay Dongmin na parang palinga-linga sa harap ng stage na para bang may hinahanap. Napa-irap naman ako dahil naalala ko ang sinabi nya na hahanapin nya daw talaga ako. Sa dami ba naman ng mga fans dito ay makikita nya ako? Tignan lang natin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon