Chapter 3

12 1 0
                                    



"Hi!~" As soon as he greeted me, I couldn't move.


"Okay ka lang?" Tanong nya at parang pinagmamasdan ako.


Nakita ko ang kamay nya na dadapo na yata siguro sa chin ko para makita nya ang mukha ko pero may biglang sumigaw. Natigilan ang lahat. Pati ang pitong member ay naagaw ang atensyon nya. Hindi ito simpleng tili ngunit isang galit na tono.


"That girl! She stole my position! Ako dapat ang nandoon pero sumingit sya kanina!" Napatingin ako sa babae habang nakaturo sya sakin.


Tss, hayop na luya to. Talagang dito pa sya hahanap ng away. Sa harap ng bts? Aba, kakaiba talaga sya. Tumingin ako sa mga member at tila natahimik sila.


"I'm not like you." Sabi ko ng mahina at alam kong narinig nya yon dahil sobrang tahimik sa loob.


"Anong ginagawa mo sa harap ni Jungkook? Pretending not to be okay so he could touch you?" Nasisiraan na ba sya?! Aatake sya dito?!


"Woah, chill." Sabi ni Jungkook sa likod ko dahil nga nakaharap ako sa luya na to na nandoon pa naman sa upuan nya.


"Now, show your true colors here. In front of bts." Naka-smirk nyang sabi.


Napatayo si Treschia sa kinauupuan nya dahil sya ang kasunod ko kanina pero dahil nag-move na ako kay Jungkook ay natapos na sya. Umiling ako sa kanya para sabihin kaya ko na to. Tumayo ako at talagang hinarap ko sya. Nakita ko ang mga staff na handa na sana syang kunin pero biglang may sinabi si Treschia.


"Can you let that girl to do what ever she wants? Thank you." May respeto nyang sabi sa mga staffs kaya tumigil sila.


"Oh come on, aren't you the one who's showing up here?" Sarkastiko na sabi ko sa kanya.


At dahil sa sinabi ko na yon ay kumulo ang dugo nya. Napatayo sya at biglang napatakbo papalapit sa akin. Naramdaman ko ang pagtayo ni Jungkook sa likod ko at pati na rin si Rm. Umakyat si Ginger sa stage at naalarma ang mga staffs doon. Pero bago nila mapigilan ay nadapo na ang kamay nya sa pisngi ko, isang malakas na sampal. Nakita ko ang pagtayo nilang lahat.


"Yah!" Sigaw ni Jin.


"Can you get her out? Please." Bulong ni Rm sa mga staffs.


Lumapit ang mga staffs sa kanya at hinawakan ang kamay nya para mapigilan nila ang susunod nyang gagawin. Kinaladkad nila ito paalis ng venue dahil ayaw nya pa talaga tumigil sa kakaratrat nya. Lahat sila ay parang hindi alam ang gagawin. Umupo ulit ako at humarap kay Jungkook na nakatayo pa rin dahil sa nangyari.


"I'm sorry." Sabi ko ng medyo malakas para marinig nilang lahat.


Nakita ko ang pag-upo ni Jungkook. Hinawakan nya ang ang dalawa kong pisngi at hinarap nya ang mukha ko sa kanya. Parang gusto kong maiyak dahil sa kagwapuhan nya at sa nag-aalala nyang tingin sa akin. Lumapit ang mga member sa likod nya at tinignan rin ako. Nakita ko ang nagliliyab na mata ni V na parang gusto na nyang sumabog sa galit. Lumingon sya sa pintuan sa may venue ag napagtanto ko na galit sya kay luya. Hindi nya alam ang nagawa nya. Tama sya sa sinabi nya. Nakuha nya ang atensyon ng bangtan at ng mga Army na gustong-gusto nya.

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon