Ang aga ko nagising. Ang aga ko kase natulog. Hindi ko binati ang araw dahil baka malasin nanaman ako ngayon araw. Maaga naman ako nagising. Napaaga na din ang pagpasok ko sa school at pumunta ako sa Library para magbasa ng novel books. Pagpasok ko sa Library napandin ko si Mysterious Girl doon sa may sulok at mukhang may inaayos. Nilapitan ko dahan - dahan baka mapahiya nanaman ulit uli ako at ayoko ng mangyari pa saakin yon. Tinitigan kong mabuti at sigurado akong siya nga kase habang natutulng ako kinabasado ko sa panaginip ko ang mukha niya hahahaha. Nilapitan ko siya at puro papel ang nasa table niya.
"Miss?" Sabi ko at sabay ngiti.
"Oh? Ikaw nanaman? Ano kelangan mo?!" Sabi niya saakin na inis na inis.
"Mag so-sorry lang ako sa sayo sa nangyari kahapon, hinde ko naman sadya yon eh." Sabi ko na nagi - guilty parin ako.
"Ayos lang. Sorry din dahil ganon pinakita kong asal sayo."
"Ayos lang din. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Leigh, Ikaw?"
"L-Liv" Nautal ako ng konti,
"Ah. Sige ayusin ko lang 'tong mga papel."
"Tulungan na kita."
"Di na sampung papel na lang 'to kaya, kaya ko na 'to."
"Sige, sabi mo eh. Sabay tayo mag break time mamaya?" Alok ko sa kanya.
"Sige. Kita tayo sa Ruby Building don sa may Garden." Sabi naman niya at sabay ngiti.
"Sige. Kitakits ha." Kinindatan ko 'to at parang kinilig din siya.
Umalis na ako sa library pumunta na ako sa Saphire Building dahil doon ang first class ko.
Bakit ganon? Kung dati wala akong pakealam sa mga nababangga ko. Parang hari ako ng dati kumabaga. Pero bakit siya binigyan pansin at halaga ko pa? At bakit parang nawala ang pagiging Immature ko sa kanya. Hindi kaya siya na yung magiging First Girlfriend ko at True Love ko? Sa tuwing nakakausap ko siya tumitibok ng mabilis ang puso ko. Sa tuwing tinitignan ko siya hindi ako maka titig ng matagal sa kanya. Bakit ganon? Anong nangyayare sa'akin? Kakausapin ko nalang si Benjamin tungkol dito. Mukhang siya lang makaka intindi sa'akin.
At nakapunta na ko sa classroom at sakto lang dating ko dumating na din ang professor at nakinig nalang din ako sa lesson namin tungkol sa calculus. Hindi ako nahihirapan 'di tulad ng mga kaklase ko na mukang dudugo na ang mga utak nila kakaintindi. Math Wizard naman ako kaya ko naman 'to.
Pagtapos ng First Class ko. Second Class naman pupuntahan ko at pinunta ko 'to. Hanggang sa Third Class ko. 'Di lang ako makapag mag break time na. Sa sobrang exited na makasabay si Leigh.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
After 1323234243243 years. Natapos na din ang tatlong classes ko. Break time na. Nagmadali ako papuntang Ruby Building medyo malayo kase dulo na yun ng Gem University.
Nakita ko na si Leigh at kibahan ako hhalos nalalamig mga kamay ay pinagpapawisan ako hindi ko alam pano at bakit. Since lalake ako nilapitan ko siya at kinausap.
"Kaya pala napaka misteryoso mong babae kase dito ka tumatambay hindi ka napapansin ng iba." Sabi ko naman at ngumiti ako.
"Gusto ko kase dito, tahimik, medyo walang tao at presko ang hangin." Sagot naman niya 'to sa'akin nahalatang masaya siya.
"Ah. Pwede ba kitang maging close na kaibigan?"
"Oo naman. Nakakatuwa ka naman ikaw lang kase yung unang lalaking naging kaibigan ko dito sa school." Napaiyak siya dahil sa tuwa. Dahil nadala ang emosyon niya inakap niya ko bigla.
Dahil napaakap siya. Naakap ko din siya. Nawala yung pagiging immature ko talaga hindi tulad dati may umakap sakin na babae hindi ko inakap sinabihan kong malandi hahaha ang hard ko. 'Tas pinagtawanan ko dahil umiiyak siya, Muntanga kase.
"Bakit ba wala kang kaibigan dito sa school?" Tanong ko sa kanya ng masinsinan,
"Ayaw nila sa'kin kase napaka weird ko daw na tao. Ang simple simple ko daw. Wala daw akong mga style may naging kaibigan ako pero pinagtripan nila ako. Kaya simula nun hindi na ako nakipag kaibigan pa. Ayaw nila sa'kin kase hindi kami masiyadong mayaman 'di tulad nag aaral dito puro mayayaman." Napaluha naman siya habang sinasabi niya 'to sa'akin
"Ako bahala sayo simula ngayon ako tatayong taga bantay mo. Kumbaga ang Guradian Angel mo." Matapang na sabi ko.
"Maraming Salamat Liv. Ikaw lang ang taong nagpapasaya sa'akin ng ganyan. Sana hindi ka katulad nila na pinagtritripan ako. Sa katunayan isa ako sa mga nagkakagusto sayo dito sa School kala ko hanggang pangarap kang kita pero hindi pala. Ang gwapo gwapo mo kase eh." Sabay tawa niya at tumahan na siya sa pag - iyak.
"Ah... Hehehe. Alam kong gwapo ako. Basta eto tandaan mo. Feel the school. Maging active ka ako bahala sayo. PANGAKO!" Sagot kong patapang.
Simula nun naging mas active na si Leigh sa school hindi na siya misteryosong lagi ko na siyang nakikita sa Main Building ng Gem University.
BINABASA MO ANG
Immaturely Falling Inlove
RomancePARA SA MGA TAONG HINDI MARUNONG MANLIGAW. PARA SA MGA TAONG GUSTO PALIPASAN ANG KANILA ORAS. PARA SA MGA TAONG IMMATURE PAGDATING SA LOVE. *KELANGAN NIYO PO AKONG I FOLLOW YUNG IBA PO KASE DIYAN NAKA PRIVATE HINDI KO ALAM ANO TANGGALIN YUN* I'LL F...