Don't Say Goodbye

45 1 0
                                    

Love Is Bitter Love Is Sweet ( Dont Say Goodbye )
By: kimlantiontobias

Sabi nila life is a journey, short and full of surprises but life isn't perfect too.
Pero para sa akin life is life ganun lang kasimple. Wala na tayong magagawa kung ano ang nakatakdang definition ng life sa atin. Isa man sa atin hindi alam ang naghihintay sa dulo ng ating tinatahak na mundo.
But what makes life colorful? Love. Si Love kasi masyadong ROY G. BIV ( rainbow ) masyadong makulay. Pero hindi ko sisisihin ang Pangulo dahil sa Love na iyan. Simple lang ang buhay. Life is Life. Love is Love.

Faith Love Samonte ang girlfriend ko.
Tinuruan niya ako kung paano gumalaw sa mundong ito, kung paano damhin ang hangin sa tuwing idinuduyan ako ng unos, kung paano sumayaw sa ulan gaano man kalakas ito, kung paano tahakin ang madamong daan at kung paano labanan ang kalungkutan. Binuksan niya ang aking mga mata upang makita ko ang liwanag sa kadiliman.
Love is a blessing to me. Nakilala ko siya sa battle of the band kung saan nag uumpisa palang ang aming banda. Vocalist ako sa bandang NEO.
She captured my attention, dahil sa hitsura niyang kagalang galang ay nakipagsiksikan sa mga fans na gustong makipicture sa amin. With her heels and skirt napapangiwi ako.

" Teacher! Dahan dahan baka matapilok ka!" medyo nilakasan ko ang boses ko. Inalalayan ko siya paakyat ng stage. Nang magtabi kami nalula ako sa kanyang height. Siguro kung wala siyang heels magkasing tangkad lang kami.
Five three maybe.
Her black shiny hair parang hindi na sinuklay, nakatali ito pataas, she is wearing eye glassess, may braces ngunit hindi masasabing nerd. She have the looks, height, color and figure. Napakaflawless ng kanyang expose legs.
Confirmed! Sa school nga siya nagtatrabaho dahil sa logo ng kanyanv purple uniform.

" Hindi sanay na ako...sanay na akong matapilok noh!"

Napangiti ako.
Naglabas siya ng cellphone at iniangat iyon sa itaas. I smiled pero hindi sa kanyang cellphone kundi nakangiti ako sa kanyang maputing leeg.

" Thank You!Morgan Benido! Pag out na album niyo papakyawin ko!"

Hindi din siya halatang kinikilig.

Bukas sisiguraduhin kong dadaan ako sa shool. University Of The East here I come!

" Saka pala hindi ako teacher, principal na ako!" kinurot niya ako sa pisngi bago siya umalis sa tabi ko.
I think na star struck kami pareho.
.
.
.
" Hi Love!"
Alam kong nagulat siya dahil napahawak siya sa kanyang dibdib. Iniabot ko sa kanya ang isang pumpon ng pulang rosas. That day I started courting her.
.
.
.
She became my girlfriend.
.
.
.
.
At dahil sa pressure sa recording at hindi maawat na kasikatan napabayaan ko siya.
.
.
.
" Morgan buntis ako."

Parang may patalim na sumaksak sa ulo ko. Hindi pwede.

" F_ck! Love huwag mo namang itaon ang kadramahan mo! May tour kami sa Boracay. Pack your things kung sasama ka!-"
Sh_t!
Napahawak ako sa aking ulo ng makita ko siyang sumiksik sa sulok ng kuwarto. Her room.
Para padin siyang bata kahit nasa bente siyete na kami pareho. This room is our sweet haven. Pero hindi na kami bata sa mga pag iinarte na tulad nito.
Sa dami ng mga babaeng kusang nagpapatuka sa akin hindi ko alam kung mahal ko pa si Love.

" Love sasama ka ba o hindi?" tanong ko ulit.

Umiling siya.

I started to pack my things. Inuna kong ilagay sa guitar case ang gitara ko na regalo niya noong unang anniversary namin.
Tiniis ko siyang umiyak sa sulok ganito naman palagi nakakasawa ang mga babae. Nakakasakal sa sobrang possessive. Sobra pa sa sobra kung makakapit at makacheck ng cellphone. Iam fed up.
Masyado siyang clingy at pakialamera.
Nakakasakal ang babae. Masyadong madaming drama at kaartehan may dalaw man o wala.
Dont say goodbye
" F#ck! Love tama na okay? Mamaya malasin pa ako sa daan. Dont you ever use that " drama baby" I wont buy it. Aalis ako at babalik kung kailan ko gusto. "

Love Is Bitter Love Is SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon