MPMMS 5- Manong, Bilis

6 0 0
                                    

Sunnie's POV.

Dahil nga sa sinabi ko kay kuyang drayber na "pakibilisan, nagmamadali ako! Aba tinotoo nga na sobrang bilis na mauuna pa ata kaluluwa ko makapunta sa pupuntahan ko at naka isang minuto lang kami sa tricycle! Ang galing diba? Mapapadali naman buhay ko kay kuyang drayber. Kaloka langss!

At nandito na ako sa huling destinasyon ko ang terminal ng mga bus diretso na ito papunta sa DZ Corporation ang magiging soon to be " Congratulations, Sunshine Lopez you're hired" company ko at ako ay may kasabihan na "Habang buhay dyosa, may pag-asa" and I thank you. At walang makakapigil sa- ohbo ohbo ahh ! Panira naman ang tambutso na'to sa speech ko ah! Ang sakit sa baga huh? Naku naman!

Oh sakay na, sakay na! Aalis na tayo! Sigaw ng konduktor ng bus.

Echoserong palaka naman to si koyang konduktor aalis na daw ee nangangalahati pa nga lang ang laman ng bus eh. Palag palag na nga lang!

" Kuya, pasakay!" Sigaw ko.

" Sa akin o sa bus, Miss?" Pamanyak na tanong ng balahurang konduktor na'to.

" Ay bingi lang! Sabi ko, KUYA PASAPAK!" Akala mo ha! Parami ng parami na talaga ang mga perwisyo sa mundo, dati basura lang eh. Nakakapikon na talaga ah!

" Grabe 'di ka naman mabiro miss. Tatanda ka ng maaga niyan!" Ay talaga naman, palusot pamore. Dapat ang mga manyak nababaog eh magkakalat pa ng lahi eh. Gigil niyo talaga si ako eh.

" Ay joke pala yon! Dapat sinabi mo para natawa ako! Hindi kasi ako nabibiro kuya nanapak talaga ako eh. Kaya lumayo lumayo ka sakin ah baka maitulak kita palabas ng bus e makita mo! Padaan nga! " At umaakyat na ako sa bus at naghahanap ng magandang pepwestuhan dahil maganda ako.

" Ang taray! Pag hinulog mo ako wala ng kundoktor! " Hindi talaga si kuya, mahilig talaga pumatol eh!

" Paki ko! Edi ako papalit, problema ba yon? Diba pwede naman un, manong bus drayber?" Pagtataray ko kay kuyang konduktor at baling ko kay manong bus driver.

" Oo naman, basta sexy katulad mo!" Like konduktor, like drayber pala to! Kinindatan pa ako at makangiti wagas. Parang masisilaw ako sa ginintuan niyang ngipin ay hindi pala tadtad ng tartar lang pala. Harinawa! Hindi nalang ako nagsalita mas maiistress lang ako lalo e. Wala na bang katapusan ang araw na'to? Wala na atang epek 'yong papipino ko kagabi dahil sa nangyayari ngayong araw na'to. Hindi pa nga ako nakakarating sa DZ Corporation feeling ko naubos na ang ganda ko.

Posible ba yon?

Oo naman, posible pag dyosa wag ka nga? Echoserang konsensya, hmp!

Malapit na rin mapuno ang bus! Salamat naman! DZ Corporation! Malapit na ako!









__
Maikli lang siya. Loading aketch ey. Huhu


-kawaiid^^ll031-

Crazily InLove (Mr.Perfect x Ms.Stupid)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon