Paalam Sa Dating Ikaw

21 0 0
                                    

Dina tulad ng dati, wala na yung dating ikaw,
Na sa mga mata ko'y pumupukaw.
Unti unting naglalaho,
Mga salita mong may pakulo.
Nawawala na rin ang lambing sa akin,
Alam mo ba na ito'y aking pansin?
Di ko alam kung anong nangyare,
At parang puso ko'y nilagare.
Tila unti unting nadudurog,
Ang puso kong sayo lang kumakabog.
Pilit kong ginagawan ng paraan,
Upang maiayos ang pagsasamahan. Ngunit tila nagbago na,
Ang pakikitungo mo sa akin sinta.
Di na tulad ng dati ang pagsambit mo ng aking ngalan,
Na para bang wala tayong nasimulan.
Tila ba ika'y nauntog at nakalimot,
At di mo na batid na parang pumalaot.
Di kana tulad noon,
Sa bagay nagbabago nga naman ang panahon.
Hindi ko alam na ika'y lilisan,
At ako ay iyong iiwanan.
At sa ngayon ay di ka pipigalan,
Sa kagustuhan mong makamit ang kalayaan,
Malaya ka ng humayo sa iyong paroroonan.
Ika'y magpakasaya,
Upang mabigyan ang puso ng ligaya.
Salamat sa lahat ng pinagsamahan,
Na dulot ng pagmamahalan.
Pagmamahalan na sabay nating sinimulan,
At ngayon ay akin ng wawakasan. Sapagkat natatanaw ko na ang katapusan.
Paalam na at ako ngayo'y lilisan.
Sa pag-ibig na ako lang ang lumaban.

 Mga Tulang Para Sa Iyo LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon