Ako'y Iyong Binalikan

14 0 0
                                    

Salamat sa iyong pagbabalik,
Na hindi ko lubos maisip kung bakit.
Bakit ako pa hanggang ngayon,
Na masyado na kitang sinaktan noon?
Dahil sa iyo ako'y nakalimot,
Dahil sa iyong mga salitang makakatanggal ng bangungot.
Bangugngot na dulot ng aking kasalukuyan,
Ngunit handa ka paring maghintay hangang magpakailan man.
Hindi pa ako handa,
At alam kong ramdam mo kahit saan banda.
Ngunit ika'y nangako,
Na hanggang dulo ako'y hihintayin mo.
Sana hindi ito mapako,
At hindi parang isang bula na biglang maglaho.

 Mga Tulang Para Sa Iyo LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon