Chapter 19

3.2K 73 8
                                    

Pasensya sa typos. Rush update. :)

Chapter 19

“Franky, what’s this?”

Napatingin kami ni Migs sa pintuan at nakita si Paps at Frances. Nagulat sila sa nakita nila pero mas nagulat ako nung marealize ko kung ano ba talaga yung mangyayari. Muntik na akong halikan ni Migs. Ano bang pumasok sa isip ko at di ko yun pinigilan?

Pero nag-isip ba talaga ako nun? Tanging pagtibok lang ng puso ko ang naramdaman ko kanina.

Napatayo kami agad ni Migs. Di ako makatingin sa kanila lalo na kay Paps. Baka kung ano-ano na ang iniisip niya tungkol sa akin. Pero kilala ko naman ang tatay ko. Hindi siya muna manghuhusga kung di pa niya narinig yung side namin at kung ano ba talaga ang nangyari.

 

“Tito, uhm…” sinusubukang magpaliwanag si Migs pero pinutol siya ni Paps sa pagsasalita. Patay, nagkamali ata ako ng iniisip kanina.

 

“Buti pa Migs, umuwi ka na muna sa inyo. Gabi na. Hinahanap ka na ng Mama mo.” Tumingin naman sa akin si Migs pero di ko nagawang tungin sa kanya pabalik. Napayuko na lang ako at tinignan ang sahig.

Kahit di ko siya tinignan, alam kong humakbang na ang mga paa niya palabas ng bahay.

 

“Franky, anak.” Hindi ko magawang tumingin kay Paps. Nakakatakot kasi ang boses niya. Naging seryoso bigla.

 

“Paps, magpapaliwanag ako.”

 

“What’s to explain? Nakita na naming ang lahat!” padabog na tumakbo papuntang kwarto niya si Frances. Alam kong galit siya. Gusto niya si Migs pero ganito ang nakita niya. napakamot na alang ako ng ulo sa di ko na alam ang gagawin ko.

 

“Maupo ka nga muna, anak.” Umupo kami ni Paps sa sofa. Pagkatapos, pinaliwanag ko sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari. Na nahulog lang kami ni Migs sa sofa kasi kinikiliti niya ako. Hindi naman mukhang galit si Paps. Siguro baka nagulat lang siya sanakita niya.


“Yung lang talaga ang nangyari, Paps. Wala nang iba.”
Itinaas ko naman ang kanang kamay ko na parang nagpa-promise.

 

“Naiintindihan ko naman , anak. Pero din a kayo bata ni Migs para sa mga ganyang laro. Binata na siya at dalaga ka na. malalaki na kayo kaya maraming pwede magbago.” Inakbayan niya ako at hinihipo-hipo ang buhok ko.

 

“Wala namang nagbago, Paps. Ganun pa rin namankami ni Migs ah.” Ngumiti lang siya sa akin. Pagkatapos ay tumayo na siya at sinabing..

 

“Di mo yun masasabi, anak.” At umakyat na siya sa kwarto niya. Pero bago pa man siya makapasok sa silid niya ay tinanong ko siya.

 

“Paps, totoo pa rin ba yung “doki-doki “ na sinasabi mo?” napangiti naman siya ulit.

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon